DUMAAN sila sa isang baryo pa bago ang kanilang patutunguhan. Payak lamang ang pamumuhay ng mga tao roon na pagsasaka kumukuha ng makakain. Halos lahat ng mga bahay ay gawa sa kahoy na nabubongan ng tuyong dayami. Lumalabas ang mga usok sa binatan ng ibang bahay gawa ng niluluto ng mga naninirahan sa mga ito. Higit na maririnig ang ingay ng mga kahayupan kaysa sa mga tao. Malayong-malayo sa pinanggalingan nilang kabisera. Umiiyak ang mga baboy sa pagkagutom ng mga ito na sinasabayan ng pag-unga ng mga baka. Sa maliit na tulay pa lamang sila papasok ng baryo'y natatanaw na nila ang mga bakang naroon sa mababang burol na purong damo sa hindi kalayuan. Sa malinaw na batis na siyang dumadaloy sa tulay ay naglalaba ang mga kababaihan. Napapalingon pa ang ilan sa kanila habang inihahampas ang ni

