Kabanata 46

2050 Words

"IBALIK mo sa akin iyan," sigaw ng obispo sa kaniya. Hindi niya pinakinggan ang pagdaing nito. Pinalusot niya lamang sa kaniyang dalawang tainga. Humakbang siya nang dalawa palayo rito nang hindi nito maagaw ang kuwintas. "Bakit? Ano bang mayroon sa kuwintas na ito?" Binuksan niya ang lawit ng kuwintas para lamang magsalubong ang kaniyang dalawang kilay. "Hindi! Akin na iyan!" daing ng obispo. Sa balak nitong pagtayo sinipa niya ito sa balikat kaya muli na lamang itong napaupo sa sahig. Nilalaman ng lawit ng kuwintas ang dalawang perlas na hindi gaanong maputi ang kulay. Kung pagmamasdan ang dalawang perlas ay mistulang ordinaryo lamang ang mga iyon. Ngunit sigurado siyang ang mga perlas na hinahanap nila ang mga iyon. Naisip ng obispo mas mainam na nasa tabi nito ang mga perlas kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD