HINDI sa harapan ng bahay sila bumababa mula sa higanteng agila. Bumaba sila sa likuran ng punong balete sa tabi ng bakuran kung saan mayroong lilim ng liwanag ng buwan. Magkasunod-sunod silang tumalon na siya ring pagbabago ng sukat ng agila. Napalingon pa siya rito dahil dumapo ito sa kaniyang kanang balikat. Dahil dito'y napapatitig na lamang sa kaniya ang binatang si Agat. Hindi niya na lamang binigyang pansin ang tingin ni Agat nang hindi siya tuluyang makaramdam ng inis para rito. Umalis lamang ang ibon sa kaniyang balikat sa paglapit ng puting tigre sa kaniyang kinatatayuan. Lumipad ang agila patungo sa bubongan ng bahay at nanatili roon na nakatingin sa bilog na buwan. "Palabasin mo rito iyong mandirigma," utos nito sa kaniya. Sa ulo pa rin nito ang ahas na si Soraka. Sinalubong

