"HUWAG ka na ngang magreklamo riyan kung ayaw mong lamigin nang todo," paninita niya rito. Sinalubong niya ang mga mata nito. HIndi rin naman nito inalis kaagad ang mga kamay sa ilalim ng kaniyang kilili. Ngunit dahil sa lapit ng kanilang mukha sa isa't isa bigla na naman nitong binawi ang mga kamay at inilagay sa sariling kilili. Hindi niya rin naman niya pinilit na gawin ulit sapagkat napagtanto niya kunga ano nga ba ipagkahulugan ng kaniyang ginawa. Nag-init na lamang ang kaniyang dalawang tainga dahil sa hiya. Humarap na lamang siya sa rehas nang maitago ang nararamdaman hiya para sa binatang prinsipe. "Manhid ka ba? Parang hindi ka nilalamig riyan," puna nito sa kaniya. Hinigpitan nito ang pagkalagay ng kamay sa ilalim ng kilikili. "Nasanay na ako. Mula pagkabata'y bahag lang ang s

