Ang sakit ng ulo ko pati ang kasukasuhan ko, ano ba ang nangyari sa akin? Na bundol ba ako nang sasakyan? Ang huling na alala ko may lalaki na nagbuhat sa akin galing sa isang sasakyan kung saan ako banda na tumba. "Mabuti naman iha at gumising ka na." Nakangiti na saad ng isang matandang babae, sa palagay ko nasa singkweta anyos na siya dahil puti na ang ibang kulay ng buhok nito at medyo kulubot ang balat ngunit makikita mo parin ang kanyang taglay na ganda. Mestisa siguro siya. Inalalayan niya akong umupo sa higaan na yari sa kawayan at sapin na banig. Tinanggap ko ang isang baso ng tubig na binigay niya at ininom iyon. "Nasaan ho ako, manang?" Magalang na tanong ko at nilibot ang paningin sa lood ng silid. Ang lahat ay yari sa kawayan, mula sa dingding, sa bintana, sa sahig, sa hi

