Tiim-bagang na bumaba ako sa taxi pagkarating ko sa lugar kung saan sinabi ni Jaxson. Hindi ito ang eksaktong lugar kung saan ako ginahasa ngunit parte parin ito ng lupain ng mga Montefalco. Malinis na ito at wala ng mga tanim kaya kitang-kita kung gaano ka lawak ang lupain. Namuo ang galit sa puso ko nang makita ko si Jaxson na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan habang karga nito si Isabella, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya napansin na narito na ako. "Jaxson..." Nanginginig ang boses na tawag ko sa kanya. Galit ako. Nag-alala baka may nangyari sa anak ko. Humarap siya sa akin, walang emosyon ang kanyang mukha. Binuksan niya ang kanyang sasakyan at nilagay sa loob si Isabella, may suot itong headphone at sa palagay ko ay tulog siya. "Akin na ang anak ko," saad ko ngunit hindi

