Pinuproseso ko parin ang huling sinabi nang Don. Nakatanga lang ako sa kanya at hindi makasagot. Ano ba ang isasagot ko? Hindi pa namin ito napag-usapan ni Javier at hindi ko pa na ayos ang dapat kung ayosin. Magsalita na sana ako nang unahan ako ni Javier. "Pwede ka naman niyang tawagin na daddy, dad. Pwede naman siguro na unahin ka niyang tawagin na daddy bago ko siya pakasalan, " bumaling siya sa akin at kinindatan ako. " Ayos lang ba sa'yo, misis ko? "bulong nito na ikina-pula ng pisngi ko. "Wooahh!" "Yon ohh!" Kantiyaw ng dalawang kapatid. Si Don Emmanuel ay hindi mapalis ang ngiti sa labi. "Hintayin ko muna na makalakad si Isabella. Gawin ko siyang flower girl." Hindi ko akalain na ito ang kanyang plano. Kung ako ang masusunod ay iyon din ang gusto ko. At sana maayos muna ang

