Nang magising ako kinabukasan, wala na si Javier. Nag iwan lang siya ng cellphone at number ng kanilang mansyon. Napangiti ako nang mukha ni Isabella ang nasa wallpaper ng cellphone niya ng buksan ko ito. He loves my daughter so much. And, I love him,too. Buntong-hininga ako saka tinawagan ang numero na binigay niya. "Good morning sister-in-law. How are you? Susunduin na ba kita? " Pinamulahan ako ng pisngi sa tinawag sa akin ni Enrico. Mangyari kaya iyon? Malabo kasi na magustuhan ako ni Javier at saka may issue kami. "May lakad ako ngayon. Pwede ba na mamayang hapon mo nalang sila Manang ihatid dito sa bukid?" " Uhm. Okay. Take care sister-in-law. Don't worry okay lang si Isabella." Hanggat maari ay ayokong pumunta sa mansyon ng mga Montefalco. Inagaw ko na nga sa kanya ang tirahan

