Tuluyan ng umiwas si Javier sa akin.. sa amin ng anak ko mula nang malaman niyang lihim akong nakipagkita kay Jaxson. Kahit sa anak ko hindi na siya nagpapakita, hindi niya dinadalaw si Isabella kahit pa nasa trabaho ako. Nagsisi ako kung bakit hindi ko nalang sinabi sa kanya ang tungkol kay Jaxson baka sakali kahit isang beses ay dadalaw parin siya dito. Tinanong ko si Manang Sonya kung nag saglit bang dumalaw dito Javier pero wala talaga. Pinapahatid niya lang sa driver ang mga kailangan ni Isabella at mga grocery dito sa bahay. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito.. gusto ko na siyang makita.. gusto ko siyang makausap pero hindi ko alam kung paano. "Janice," napabuntong-hinga ako na tumingin kay Jaxson nang tawagin niya ako. "I'm sorry for what I said last time," saad niya ng makal

