"Best! I miss you!"
Malaki ang ngiti at sinalubong ko ng yakap si Ella. Gumanti siya ng yakap na halos hindi na ako makahinga. Magkaiba kami ng kurso na kinuha. IT ako samantalang Business Add naman sa kanya kaya bihira na lang kami magkita dahil pareho kaming buay at hindi pareho ang class hour namin.
"Miss you too. Tama na ang yakap hindi ako makahinga," natatawa na saad ko.
"Anong oras next subject mo?" tanong niya at humiwalay ng yakap sa'kin.
"2 pm pa."
"Same," umangkla siya sa braso. "Ano? Sa Torres tayo?"
"Hoy! Wala akong pera pang burger," agad na sambit ko.
"Libre ko na. Miss na kita e," naglalambing na saad niya kaya natawa ako.
Para siyang bata na tuwang-tuwa nang um-oo ako. Parang magkapatid na kami ni Ella na hindi mapaghiwalay, siya lang ang naging close friend ko simula noon hanggang ngayon dahil nahihiya akong makipagkaibigan. Siya lang ang nagtiyaga na kaibiganin ako at hanggang ngayon hindi kami mapaghiwalay dalawa.
Nang malaman niya ang nangyari sa mga magulang ko hindi siya nagdalawang-isip na samahan ako magluksa. Hindi siya umalis sa tabi ko. Kahit nandito na ako kay Tita nakatira ay gumagawa parin siya ng paraan para puntahan ako dito. Ayaw siyang papasukin ni Tita sa bahay. Ayaw niyang makipag-usap at magkita kami Ella kaya patago niya akong dinadalaw sa bahay at dalhan ako ng pagkain.
"Anong nangyari d'yan sa braso mo? Bakit may pasa ka? Si Tita Fely ba gumawa niyan?" tiim-bagang na tanong ni Ella at tinuro ang braso ko na may pasa.
" Ayos lang ako, best. Maliit na pasa lang yan, " at hinila ang manggas ng damit ko upang matakpan iyon.
" Matagal ka na ba niyang sinasaktan? " tumango ako sa kanya." Bakit hindi mo sinasabi sa akin?! " galit na singhal niya. "Akala ko ba best friend tayo? Akala ko ba walang secret?"
" Sorry best, " I pouted. "Hindi na mauulit. No more secret na," itinaas ko pa ang isang palad ko, nanunumpa.
" Sa bahay ka na lang tumira, sabihan ko si mama."
" Hindi pwede," tanggi ko kaagad. "Kay Tita Fely ako binilin ni mama. "
" Sinasaktan ka naman," sikmat niya. "Hindi matutuwa sina tito at tita niyan, best."
I sighed. " Hindi naman siguro alam nila mama na marahas si Tita. Kasi kung alam nila hindi nila ako iiwan at ipagkatiwala sa kamay ni tita. "
Sana nga walang mabigat na rason ang mga magulang ko kung bakit kay Tita Fely nila ako iniwan. May kapatid naman si Papa na malapit din sa amin pwede naman ako doon pero bakit kay Tita Fely? Hindi ko nga matandaan kung nakapunta siya sa bahay namin. Hindi ko rin matandaan na minsan siyang kinausap ni mama. Pero, ayos lang tanggap ko ang sitwasyon ko kay Tita siguro ito na yung kabayaran ko sa pagkamatay ng mga magulang ko na ako ang may kasalanan.
Suminghap siya. "Basta, ha, kapag kailangan mo ng malapitan tandaan mo may best friend kang maganda!"
"Oo na," natatawa na saad ko. "Kulit."
Saglit pa kaming nagkuwentuhan hanggang sa maubos namin ang kinakain namin na burger. Wala man ang mga magulang ko, narito naman si Ella para samahan at damayan ako sa oras na kailangan ko ng tulong.
"See you, again. Love you," ani ko at yumakap sa kanya.
" Love you too. Mag ingat ka."
Kumaway ako at naglakad pabalik sa room ko dahil malapit na ang class hour ko.
Ang swerte ko at may Ella ako na kaibigan. Kapag dumating ang araw na mawala siya sa akin, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Siya lang ang mayroon ako. Siya lang ang pamilya ko ang taong natira sa buhay ko.
Pagkatapos ng klase ay dumiritso ako sa computer shop para mag-print dahil maraming tao matagal akong natapos. Gabi na ng makauwi ako. Pagdating ko sa bahay sampal agad ni Tita ang sumalubong sa akin. Ano pa nga ba ang bago? Lagi naman ganito.
"Ibalik mo ang pera ko!!" isang sampal ulit. Pakiramdam ko namanhid ang buong mukha ko. "Pinatira kita dito! Pinakain, tapos ito ang gagawin mo sa akin?! Ang pagnakawan ako,ha?! Walang-hiya ka! Ibalik mo ang pera ko!!"
Parang lantang gulay ako na sumalampak sa sahig ng bigyan niya ako ng isang malakas na sampal. Nalasahan ko pa ang dugo sa labi ko ngunit pinilit kong huwag umiyak. Ayoko umiyak sa harapan niya at baka panibagong sampal na naman ang matanggap ko.
"Hindi ko ho ninakaw ang pera niyo, Tita," nahihirapan na saad ko. " Nilagay ko sa drawer kasi nakita ko po sa lamesa kanina. Wala ho akong kinuha doon."
Napaigik ako sa aking isipan ng sipain niya ang paa ko. "Tanga! Alam mo naman na gagamitin ko ang pera nilagay mo pa sa drawer! Bakit hindi mo nalang inabot iyon sa akin! Tanga! Inutil!!"
Gusto kong sagutin si Tita ngunit wala akong lakas para sa panibagong pananakit niya. Ako na nga itong nagmalasakit ako pa ang naging masama. Pwede naman niya ako tanungin ng maayos at walang sampal na kaganapan. Pero dahil si Tita Fely siya at ako si Janice na kinamuhian niya lahat sa akin na nakikita niya ay mali at siya ang tama.
May pag-asa pa kaya na magbago si Tita? Kahit nahihilo dahil sa mga sampal na natanggap kay Tita ay pinilit kong tumayo at umupo sa sofa. Hanggang kailan ko pa ito dadanasin? May tatlong taon pa bago ako makapagtapos sa koleheyo. Tatlong taon ko pa pala itong iindahin. Tumayo ako at paika-ika na pumunta sa kusina.
I sighed. "Walang stock. Mabawasan na naman ang allowance ko," usal ko nang makitang walang laman ang cabinet ng mga pagkain pati ang ref tubig lang ang laman.
No choice ako kundi bumili ng pagkain dahil wala na kaming stock na pagkain. Nagbihis muna ako at walang paalam kay Tita na lumabas ng bahay. Dumiritso na ako sa convenience store, bumili ng cup noodles at toasted bread, ito lang ang kaya ng budget ko at gabi na rin wala ng bukas na karenderya .
Umupo ako sa labas ng store at doon kumain. Tahimik kong inubos ang kinakain ko at naglakad pauwi. Alas diyes na ng gabi, tahimik na ang daan na binabagtas ko pauwi sa bahay, nang makadaan ako sa maliit na tulay napahinto ako. Dahan-dahan akong umakyat at tumayo sa rehas nito. Tumingala ako sa madilim na kalangitan at hinanap ang malaking bituin.
"Ma, Pa. Maging masaya ba kayo kapag sumunod ako sa inyo? Hirap na hirap na ako, Ma, Pa. Sa bawat araw na bumabangon ako lalo ko kayong namimiss. Gusto ko na kayo makasama," saad ko na nakatingala sa malaking bituin, umaagos ang mga luha. "Pero nangako ako sa inyo na magtatapos ako ng koleheyo, kahit wala na kayo tutuparin ko parin ang mga pangako ko sa inyo. Alam ko nandito kayo lagi sa tabi ko, binabantayan ako. I love you, Ma, Pa. Miss na miss ko na kayo."
Hinayaan kong tuyoin ng hangin ang mga luha sa pisngi ko. Nakatingin lang ako sa malaking bituin at iniisip na mga magulang ko ang malaking bituin na iyon. Miss ko na si Mama, ang pag-alaga niya. Ang pag-asikaso sa akin kahit malaki na ako. Miss ko na ang pangunsinti ni papa sa akin. Ang singing bonding namin. Miss ko na ang pamilya ko. Ang pamilya na winasak ko. I'm sorry, Ma, Pa. Kung nang dahil sa akin kaya kayo nawala ng maaga. Hanggang alaala nalang ang lahat dahil maaga ko iyon winakasan. I'm sorry.
"Ang sarap mabuhay kaya't huwag mong kitilin ang iyong buhay.
Ito'y hiram lamang sa diyos kaya't mag-hunos-dili ka. "
Muntik na akong madulas sa kinatayuan ko sa gulat ng may nagsalita sa likuran ko. Dahil madilim hindi ko maaninag ang kanyang mukha, salubong ang kilay na tiningnan ko siya nang maglakad siya papunta sa aking tabi at tumingin sa madilim sa ilog.
"Ang pagkitil ng buhay ay isang malaking kasalanan," pagpatuloy niya pa.
Inis na tumalon ako pababa. "Hindi ako magpakamatay. "
Mula sa ilaw ng sasakyan na dumaan nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ng bumaling siya ng tingin sa akin. "Ha? Hindi ko naman sinabi," aniya.
"Hindi mo sinabi sa akin ng direkta pero ipinapahiwatig mo naman sa iyong mga salita," iretableng sagot ko.
Napasinghap siya ng mahina. " Ah.. Asyumera mo naman, te. Nagpa-practice mo ako ng tula. "
" E, bakit sa tapat ko pa? Ha!? " singhal ko.
" Sensya na. Hindi kita nakita, e. "
Sa inis at pagkahiya ay padabog ko siyang tinalikuran. Pahiya ka self! Uso naman magtanong. Bakit kasi doon pa sa tabi ko siya nagsalita? Puwede naman sa bahay mag-practice. Kainis.
"Miss, teka may na iwan ka."
Napatigil ako at kunot- noo ko siyang nilingon. "Wala akong dala kaya wala akong naiwan."
"Meron."
"Ano!" inis na singhal ko.
"Ako. Naiwan mo ako."
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Mahaba ang pasensya ko pero sa lalaki na'to na feeling close ubos na ang pasensya ko. Sa inis ay hinubad ko ang aking tsinelas at binato sa kanya.
"Tigilan mo ako hinayupak ka! Nanggigigil ako sayo!" Singhal ko at inis na umuwi sa bahay na isa lang ang tsinelas sa paa.
Ang gago tumawa pa.