NAGULANTANG sila sa mga narinig mula iyon sa cctv recorder. Kaya malakas na itulak ni Amarah Kate ang binata. Pagkatapos ay nagmamadaling inayos ang sarili. Tumayo siya at lumapit sa monitor saka sinilip ang loob ng opisina. Dalawang lalaki ang naroon sa desk ni Jordan. Meron hinahanap ang mga ito kaya agad na kinawayan niya ang binata at lumapit naman ito. Kinuha ni Amarah Kate ang cellphone niya sa binata at mabilis na nag-dial. Tinawagan niya ang landine ng opisina habang nakatingin sa monitor. Kitang kita sa cctv ang mabilis na paglabas ng dalawa sa pintuan. “Tama pala ang iniisip ko meron silang duplicate sa pintuan ng opisina. Pati na sa main door kaya pala sa tuwina sinasabi ng kaniyang lola noong nabubuhay pa ito. Meron daw pumapasok doon. Pero hindi ma-identified dahil nakasuot

