“HANGGANG kailan mo ako papaniwalain sa kasinungalingan ha?” Sigaw niya sa binata. Nakakagalit lang na malamang nagpapanggap lang pala sa kaniya ang lalaking pinagkakatiwalaan. “Sweetheat, please listen to me…” “Kagaya ka rin ni Alanis ll, sinungaling at mapagkunwari! Tama din ang sinabi niya na hindi ako dapat nagtitiwala sa kagaya mong hindi ko kilala! Simula ngayon ayaw na kitang makita at huwag mo akong tatawagan o pupuntahan, dahil hindi kita kakausapin!” Saka muling sumakay sa kaniyang big bike at pinasibad iyon palayo. “Mabilis na sinundan ni Jayden ang dalaga at ngunit hindi na niya ito naabutan pa. Kaya dumeretso siya sa mansion nito subalit hinarang siya ng mga gwardya. Sinabing hindi na siya allowed pumasok sa loob banned daw siya sa mansion Melendrez. Wala siyang nagawa k

