WALANG HANGGANG PAGMAMAHAL

2012 Words

HALOS magsara na ang mga talukap ng mga mata ni Dale sa kaiiyak. Hindi pa rin matanggap wala na ang anak na panganay. Langong-lango na rin siya sa kaiinom. Nagkalat ang basyo ng beer sa carpet. Nakasalampak siya sa gilid ng sofa habang panay pa rin ang tungga kahit umaapaw na ang beer sa bibig niya. Ilang araw na rin siyang hindi naliligo. Kahit ang mga kasambahay ay hindi na matiis ang amoy niya, hindi lang nila mapabayaan dahil amo nila ito. Nasalubong ni Cathy ang isang kasambahay habang pababa ito ng hagdan. “Ma’am Cathy, saan ho kayo pupunta? Bakit nandito kayo sa taas?” “Where is Dale?” “Naku, ma’am, h’wag na ho kayong pumasok sa room niya, bubulyawan lang kayo n’on. Sobrang napakasungit ho mula nang mamatay si Deile, saka hindi ninyo kakayanin ang amoy sa loob.” Nakaramdam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD