DAHIL sa ginawa ng dalawa niyang pinsan tiniis na lang ang nararamdaman sakit. Bagkus nag-focus na lang siya sa pag-aaral. Kahit sa gabi ay umiiyak siya pero pagdating sa umaga sinikap matakpan nang conseler ang pamamaga ng mga mata. Nagsusuot din siya ng shades upang hindi mapansin ang pangingitim ng gilid. Wala man lang siyang idea na pinaniwala ng dalawang pinsan si Jordan, na meron na siyang nobyo. Samantalang si Emil ay isang bakla at nagpapanggap lang na lalaki sa mata ng mga tao dahil sa iniingatan na pangalan. Iniiwasan lang niya si Jordan dahil ayaw na niyang muling umasa. Sapagkat hindi naman talaga siya mahal ng binata. Kaya ng sabihin ni Mr. Jayden ang tunay na dahilan ni Jordan bakit ito pumasok sa delikadong trabaho. Nakaramdam siya ng galit sa dalawang pinsan. Ganun pa man

