MULING PAGTATANGKA

2028 Words

GALING sila sa event ng isang kamag-anak ni Jordan. Hindi pa man lang sila nakarating sa parking area nang may humarang sa kanila. May mga baril ang mga ito at agad na nanginig sa takot si Amarah Kate. Hindi naman kakikitaan ng takot si Jordan. Maingat na nilagay sa likuran ang dalaga saka humarap sa mga armado. “Anong kailangan nyo?” “Ibigay mo sa amin ang babaeng yan kung nais mong pareho pa kayong mabuhay.” “Bakit ko naman gagawin yon?” “Kung ganun mapipilitan kaming barilin ka.” “Do it, at sigurado ako na lahat tayo mamamatay dito.” “Aba’t matapang ka!” sabay tutok ng baril sa ulo ni Jordan. Subalit biglang napuno ng pulang dot ang katawan ng limang lalaki. “Bakit hindi mo kalabitin?” saka pumitik ang daliri ni Jordan at mabilis na humarap kay Kate at tinakpan ang mga mata nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD