C- 14 KAMPANTENG lumabas ng room si Cathy. Siguro naman ay wala na si Dale dahil narinig niya ang pagsara ng pintuan kanina. Pero ang hindi niya alam nananatili pala ito sa may pintuan. “Ahh!” Napasigaw siya nang biglang may yumakap sa katawan niya. Ang dibdib ni Cathy parang tinatambol sa lakas ng pintig. Nanginig na rin ang buong katawan sa sobrang takot dahil alam niyang wala na siyang kawala rito. “Maawa ka please, pakawalan mo ’ko,” pagmamakaawa ni Cathy habang namumutlang nagpupumilit makawala. Lalo siyang nangatal sa takot nang hilahin siya ni Dale papasok sa kuwarto. “No! Please, h’wag!” “Tama na, baby. Hindi naman kita sasaktan. Bakit nagkaganito ka?” Hinalikan siya ni Dale sa ulo. “Sshh. Don’t cry. Hinding-hindi kita sasaktan. Please calm down.” Mahinahon ang boses ni Dale t

