MAY pagdududa kay Cathy, kung talagang tumino na nga ba ang asawa. Dahil kahit ilang araw pa lang silang nakabalik mula sa Honeymoon nila. Nagsimula na ito sa pag-alis-alis ng pa sikreto. Dito na sila sa Pilipinas nagpasya na manirahan. At gusto din naman niya lalo pa at maganda ang klima dito sariling bansa. Ngayon maaga pa lamang nakabihis na ang asawa at hindi niya alam kung saan ito nagpupunta. Nais niyang tanungin pero wala siyang lakas ng loob. Ang paalam may pupuntahan daw ito kasama ng mga pinsan. At hindi na matiis ni Cathy ang ganitong sitwasyon kaya lihim niyang sinundan ang asawa. Ang takot niya ay nananatili sa puso at isipan. Ganun pa man nais na niyang mabigyan ng kasagutan ang mga iyon. At sa gagawin niyang ito doon niya malalaman kung dapat pa ba siyang manatiling umaas

