HINULI nang mga pulis si Mr. Jefferson, bilang mastermind sa pagkidnap kay Mutya. Masyadong naging kampante si Jayden, kahit sinabi na ni Janillah, na nasa England din si Jefferson Umali. Hindi man lang niya naisip na may plano ito para sa anak nila ni Paula Lei. Kinasuhan din ni Raven, ang mga ito dahil sinira ang mga cctv. Pinagbabaril gamit ang silencer gun. Kaya mas lalo pang bumigat ang mga kasalanan dahil walang lisensya ang mga baril na ginamit. Kahit ang mga gun store na posibilidad binilhan ng mga baril ay under investigation din. Kinakailangan nilang manatili doon dahil sa kaso hanggang hindi nahahatulan si Mr. Jefferson Umali. Kaya mabuti na lang din at naroon ang mga anak ni Raven at Nicah Angelic, nalilibang si Mutya. Isang umaga nang magising si Jayden, nakita niya sa h

