Friend Request
Mavi's POV
Nandito ako sa bahay ko nagmumukmuk sa kwarto ko pagkatapos kong sermunan si Tiffany. I can't forget her words against me hindi ako nakatulog ngayon ang sakit kasi nung mga sinabi niya.
Today is second day of school pero ayoko munang pumasok. Pero kailangan!!..Hindi ko talaga kasi makalimutan yung mga sinasabi ni Tiffany.
*Flashback*
"Ate, Bakit? Anong paguusapan natin?" sabi ni Tiffany na kararating lang. Pinaupo ko muna siya bago magsalita.
"What is happening to your grade? Why do you ditch class? Why did you take cutting classes?. Taking phone while discussing?..GOD DAMN! TIFFANY!" sabi ko at napayuko naman siya. "Di ka pinagaral para mag ditch ng class at mag cutting classes!. At mas lalong di kita binigyan ng phone para makipagusap sa boyfriend mo habang nagkaklase! Okay lang sakin na magboyfriend ka! Pero Tiffany naman! Do you do the responsibilities with your boyfriend! Sana ganon din sa studies mo!."
"Ate! Bakit ba ganiyan yung reaction mo?! Napaka OA mo! Wag mo kong sermunan dahil hindi naman kita kapatid! Half sister lang naman kita!"nabigla siya sa sinabi niya and also me too nabigla din ako.
"W-what did you say?!"
"A-ate.. ate sorry..ate di ko sinasadya.."
"Yeah..di mo nga ako kapatid at half sister mo lang..sorry ah? Concern lang naman ako..sorry.." sabi ko at lumabas ng mansion dinig ko ang pagtawag niya sakin pero di ko siya pinansin.Nagdrive ako papuntang bahay tapos dumeretso sa kwarto at humagolgol ng iyak..
Hindi naman kita kapatid!
Half sister lang naman kita!
FUCK!! I'M SORRY TIFFANY..
Maraming missed calls si Tiffany sakin pero di ko sinagot marami rin siyang text.. umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog...
*End of Flashback*
Wala akong choice kundi bumangon at maligo. Wala pa akong uniform next week pa daw yun ibibigay.
Pagkatapos kung maligo ay nagbihis na ako.inower ko muna yung buhok ko bago gawing messy bun. Suot ko yung Korean Fashion Women V-neck Love Print Shirt Sweet Long Sleeve Loose Petal Sleeve Blouse tsaka high waist buttons skinny jeans tapos white shoes .
Bumaba ako para mag luto ng breakfast at kumain. Pagkatapos ay umalis na ako ni-lock ko yung pintuan bago sumakay ng sasakyan.
Paglabas ko sa village namin may nakita akong nagsusuntukan or should i say lalaking pinagtutulungan ng tatlong lalaki. Pumarada ako at bumusina,nahinto sila sa pagtadyak, nakita ko yung lalaking pinagtutulungan nila kahit bubug sarado nakita ko yung mukha niya..classmate ko to eh! Di ko maalala kung ano pangalan sa susunod ililista ko na silang lahat.
Bumaba ako sa sasakyan nagkatinginan yung tatlo bago ibalik sakin yung paningin.
"Hoy! Anong ginagawa mo dito?! Ha?! Gustong mo bang magaya sa kaniya?!" turo niya sa classmate ko.
"Ikaw? Gusto mo bang magaya sa kaniya?" balik na tanong ko sa kaniya.
"Parang kaya mo kami ah!" sagot nung isang mataba..Susugod na sana silang tatlo pero umikot ako na nakataas ang isang paa at natamaan yung mga pangit na pag mumukha nila. Tsaka ko sinuntok yung leader nila sa panga tapos yung isa kumuha ng tubo at akmang ihahampas sakin pero hinawakan ko yung tubo ng buong lakas tsaka pinaikot sabay ng kamay niya, narinig ko pa yung tunog ng buto niya. At mukhang natakot yung isa kaya tumakbo, lumapit ako sa kaklase ko at tinulungan siyang tumayo.
Sinakay ko siya sa kotse ko ihiniga niya yung ulo niya sa sandalan ng upuan. Naghabol muna siya ng hininga bago tumingin sakin ngumiti siya nakakahawa yung ngiti niya kaya napangiti ako ng wala sa oras.
"Ako nga pala si Toby..." sabi niya inistart ko yung kotse ko at nagdrive papuntang school.
"Sino nga pala yung nang bugbug sayo?"
"Kaaway ko dati."
"Ahh..kaya binalikan ka?"
"O-oo."
"Karma."
Nagpout naman siya nako pasalamat talaga at cute siya.. jusko! Habang nagdadrive di ko maiwasang magtanong sa edad niya mukha pa kasi siyang bata.
"Toby, ilang taon kana?"
"13." natapakan ko yung break ng kotse ko at napahinto yung mga kotse sa likod ko at malakas na binusinahan ako...pisti ang ingay..binuksan ko yung bintana at sumigaw.
"SANDALI LANG!!!" sabi ko at nagdrive ulit. "Panu?!"
"Kumuha lang ako ng exam sa Grade 6 tapos dineretso ako sa fourth year."
"Ay. taray."
Dumeretso kami sa room pinagtitinginan kami ng mga tao. Eh, sinong hindi pagtitinginan eh bugbug tong kasama ko.
Pagpasok namin sa room ay agad na alarma ang lahat nung makita si Toby. Pinaupo ko muna siya buti nalang at girls scout ako may dala akong first aid kit.
"What happen?" tanong nang leader.
"Ah- pina-ah nag-ah" hirar na nga magsalita pinipilit pa niya.
"Pwede,mamaya ka ng magsalita."
Kinuha ko yung cold pad ko at nilagay sa bandang mata niya,namamaga kasi. Nilinis ko yung sugat niya may mga gasgas din yung mukha niya ,nilagyan ko yung mga gasgas ng bandaid. Nasa bridge ng ilong, pisngi at panga yung mga gasgas niya. Kinuha ko yung cold pad at nawala naman yung pamamaga.
"Okay kana?" tanong ko
"Oo." niligpit ko na yung mga gamit ko habang ikinuwento ni Toby yung nangyari, nung sinabi niya yung ginawa ko sa lalaking may hawak na tubo agad nilang nilipat ang tingin nila sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Nagawa mo yun?" si Levi, tumango tango naman ako.
Ang weird.
Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng kayang lumaban sa lalaki? Required ba ang kasarian nun? 10 years old nga ako sinapak ko kaklase ko, anu pa kayang 17 na ako?
Kung makikipagaway ka wala yan sa edad at kasarian, nasa kaaway mo yan.
Natapos na ang klase ay agad ko namang nakasalubong ko yung bunso kong kapatid si Ethan Jax sa parking.
"Ate..pwede ba nating isabag si Ellie?"
"Yeah..sure where is she?"
"Babe! Let's go isasabay kana ni Ate.."
"Hi babe, Hi po ate!"
Si Ellie is kapatid ng bestfriend ng ate kong si Ate Tiana and also Ethan's girlfriend. Ellie have an ex before fourth year na daw yung ex niya ngayun, and i don't know who's that guy..and i don't wanna know.
Ellie is 16 years old and Ethan too mas matanda nga lang si Ethan ng 3 months. Matanda ako ng 1 year kay Ellie they are both third year and classmate din sila.
Hinatid namin una si Ellie bago ko iuwi si Ethan sa family house namin. Dun muna ako nagdinner dahil nandun si Lolo Archin, Lolo Eugene at Lola Tania. Or should I say complete kami, minsan lang kami magkasama sama dahil may iba na busy sa school at ofcourse sa work din.
Nandun din si Kuya Arthuro boyfriend ni Ate Shen. At si Mateo boyfriend ni Tiffany, tinignan ako ni Tiffany na parang humihingi ng sorry. Tumabi ako sa kaniya at bumulong..
"Magusap tayo mamaya." tumango naman siya.
"So, apo how's you're section?" si lolo Eugene ang principal ng YJSKIS
Yep! Kami, kami ang may ari ng YJSKIS at half owner kami ng SSKIS kami rin yung may pinaka sikat na fashion corporation ako at si Tiffany ang super model, si Ate Shen naman ang next to be Vice President ng company sa susunod namang president ay ako.
Kaya kahit biology ang course na kukunin ko ay dapat may alam na ako sa business buti nalang at may alam na..
"Lo, okay lang naman. Tahimik lang sila di kami close." sagot ko.
"Why don't you try to be closed with them?" suggest ni Lolo Archin.
"Lo, gusto ko man makipagclose sa kanila useless yun kapag di nila gusto."
"Yeah you said so..so, how long you would try to hide your agenda?"
"Maybe, after 2months.."
"Okay.."
"Uhmm..lolo Eugene.. Bakit walang babae sa room nayun or absent lang ba sila?"
"Hahahaha.." lolo wala pong nakakatawa." Wala talagang babae sa section na yun dahil wala namang babaeng kayang manapak ng lalaki except sayu.. So, should I say you are the only girl in section 7."
So ako lang babae?! Lolo seryoso kayo?! Gusto ko tuloy sunugin ang school..
Pagkatapos ng dinner ay niyaya ko si Tiffany sa labas.. agad niya naman akong niyakap.
"Ate sorry.." sabi niya habang umiiyak.
"Shh.. okay lang, okay? Ang akin lang wag mo sanang pabayaan ang studies mo ha? Kaya niyo naman siguro ni Mateo mag patuloy sa relasyon niyo habang nagaaral diba?"
"Oo, ate, sorry talaga ate.."
"Okay lang yun..alam mo namang love na love ka ni ate."
"I love you ate.."
"I love you too Tiffany."
"Sama naman ako jan.." singit ni Ate Shen natawa naman kami ni Tiffany tsaka kami nag group hug tatlo.
"We are Dela Cruz Sister's , we have power and we always be together." si Ate Shen
"We are Hwang Sister's, we have have strength and we will fight for each other." si Tiffany.
"We are Yamashita Sister's, we have authority and we are best friends forever." ako.
"We are Ferrari Sisters we will be together and we will love each other." kaming tatlo.
Ang Dela Cruz ay last name namin dito sa pilipinas ang Hwang naman ay sa Korea. Ang Yamashita ay sa japan at yung Ferrari ay Italian.
We are half pilipino, half korean, half japanese and half Italian. My Mom is Half Korean and half pilipino and my dad is half japanese, half pilipino and half italian. Dito lumaki si dad sa pilipinas kaya alam niya ang tagalog.
Magkaiba kami ng nanay ni Tiffany at Ethan Jax totoong kapatid ko naman si Ate Shen. Ang step mom namin ay si Mommy Jane at yung totoong mommy ko naman na si Mommy Yana ay namatay na last year binaril siya nung asawa niya bago si daddy.
Mommy Jane ay halus kaugali lang ni Mommy Yana kaya madali niyang nakuha yung loob namin. Mommy Jane is a half pilipina at half korean din.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na akong umuwi. Naligo muna ako bago matulog nag open muna ako ng f*******: at ganun nalang ang gulat ko ng..
Levi Dion sent you a friend request
Viel Alcantara sent you a friend request
Mathew Greg sent you a friend request
Zayne Kingston sent you a friend request
Angelo Lopez sent you a friend request
Toby Crawford sent you a friend request
Xavier Brazer sent you a friend request
Evan Kurt Sailor sent you a friend request
Stephen Hadrien sent you a friend request.
Theodore Ash Montañano sent you a friend request.
Si Toby lang yung inaccept ko tapos aba! updated yung lolo niyo! Agad akong inadd sa isang ...GC??
"Section 7"
Toby Crawford add you on this Group Chat.
S
eriously?! gago tong batang to. Bigla nalang nag pop yung message ni Xavier sa GC.
Xavier:
Ang daya ni Mavi!
Si Toby lang yung inaccept!
Toby:
Gwapo daw kasi ako.
Ano connect ses?! lakas ng aircon nitong Toby nato.
Matthew:
Mag accept ka!
Viel:
Accept mo ko!
Levi:
Ako rin!
Evan Kurt:
Ako din! Accept mo ko!
Zayne:
Me too..
Angelo:
Accept mo si Angelo cute and handsome!
Eto pang isang may dalang bagyo!..
Stephen:
Ako din..
Theo:
me..too..
Me:
teka lang ha?! Isa isa lang po!
Inaantok na yung tao!
Inaccept ko na silang lahat tsaka ako nag log out ang ingay nila grabe! Dinaig ko pa yung school GC na palaging nag aupdate yung teacher at tanong ng tanong yung mga classmate mong kunwaring nagtatanong sa teacher wala namang naintindihan.
Pumikit ako para madaling makatulog at yun nakatulog na ako.