Drizella Genet’s POV Isang pares ng mga mata ang kanina pa pinapanood ang bawat galaw ko sa lamesa namin nila Jaime. Kahit hindi ko lingunin ‘to alam ko kung sino ‘to. “Kanina pa tingin nang tingin si Mr. Aceves,” mahinang sambit ni Casey na kasama ko sa bilog na lamesa. Um-attend ang lahat ng kandidata sa after part. Naka-pony tail na mataas ulit ang buhok ko at suot ko ang violet slack, white tube na pinatungan ko naman ng violet cardigan ko. “Baka may gustong makausap,” sambit ni Miyake ay napasipsip sa drinks niya. Suot ni Miyake ang korona niya habang kaming tatlo naman nina Jaime at Casey ay ang mga sash namin. “Ah baka si Drizella,” sambit ni Casey. “Kanina magkausap silang dalawa pero bigla na lang… tinalikuran ni Drizella si Mr. Aceves.” “Tinalikutan?!” gulat na tanong sa

