Drizella Genet’s POV “Nang sabihin mo sa akin na hindi mo pinalaglag ang bata, naniwala agad ako. Naisip ko na kasalanan ko ‘yon dahil iniwan kita at tama nga ako nang sabihin sa akin ng pamilya mo. I’m sorry, honey. Hindi dapat kita iniwan noon. Kung alam ko lang na may anak tayo baka naingatan kita. Baka hindi nawala ang anak natin.” Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi sa akin ni Pierre kagabi. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagsisisi na hindi ko gustong makita. “I’m sorry kahapon hah.” Napalingon ako sa tumabi sa akin sa pagkakatayo sa pinto. Si Starry na halatang nahihiya na tumingin sa akin. “Ayos lang. Hindi naman maiiwasan magkamali. Walang perpekto.” Humarap ako sa hardin dito sa pinakalikod ng bahay ng mga Aceves. Ang hardin kung saan madala

