Drizella Genet’s POV Buong isip ko ay pinokus ko lang sa nalalapit kong laban. Ang isipan ko at nasa pagrampa lang ngayon sa gitna ng entablado na may ngiti sa labi. Mabigat ang dibdib ko. Sobrang bigat dahil kay Pierre pero hindi ko hahayaan na matalo ako at bumagsak ang katawan ko. Madalas ko pa rin makita si Pierre sa hotel na ‘to nitong nagdaang araw. Hindi siya nagpakita sa akin tulad ng gusto ko. Kapag nakakasalubong ko siya, parang hindi kami magkakilala. “Slay! That’s it! Sa inyo ang entablado kaya sige lang!” sigaw ng coordinator namin. Katulad ng nasa practice namin lumiko kami sa gitna ng stage pagkarating sa dulo para makabalik. Last practice na namin ‘to para sa linggong ‘to at sa susunod na linggo naman. Ang talent ko naman na ipapakita sa mismong laban ay pi

