Drizelle Genet’s POV Mabibilis ang bawat paghakbang ko habang hawak ang balabal sa ulo ko na bahagyang nililipag dahil sa pagmamadali ko. Hindi na ako nag-abala na lumingon pa. Natatakot ako na baka nakasunod nga siya sa akin. Ako lang ang mahihirapan. Nang matanaw ko ang sasakyan ko mabilis kong pinindot ang key controller. Maabot ko pa lang ang sasakyan ko ng mabilis na may humawak sa bewang ko. “Ibaba mo ako!” sigaw ko at pinaghahampas ang braso niya. Hindi siya tumigil at umikot sa kabila at binuksan ang pinto ng passenger seat sa unahan. Bakit niya pa ba ako sinusundan?! “Stay put,” matigas na sambit nito sa akin pagkaupo niya sa akin sa front seat. Kinuha niya sa kamay ko ang susi ng sasakyan at masamang pinukulan ako ng tingin. Kinabit niyia ang seat belt sa katawan ko at

