Drizelle Genet's POV "Dahan-dahan naman!" Hindi ko mapigilan na ngumiti kahit na nakadapa ako sa ospital bed. Ginagamot ng isang nurse na babae ang sugat ko sa likod at kasama ko si Pierre sa loob ng kwarto. "Nasasaktan siya!" Kanina pa siya sigaw nang sigaw sa nurse na ramdma ko ang panginging sa pag-aayos ng sugat ko sa likod. "A-Aray!" sigaw ko dahil parang mas bumaon ang bubog sa likod ko. Sa sobrang panginginig siguro ng nurse kaya ganoon. Napapikit ako dahil kasunod ng pag aray ko ay ang pagsigaw naman ni Pierre. "Get out! Itawag mo ako ng mismong doctor!" Napalingon ako sa nurse na nagmamadali sa pagtakbo palabas. Huminga ako ng malalim at aayos sana ng higa ng biglang lumapat ang kamay ni Pierre sa likod ko. "Dumapa ka lang," madiing utos ni

