Drizella Genet's POV Ang paligid ko na puno ng ingay. Ang mga tao sa harapan ko na sunod-sunod ang pagtatanong at ang mga flash ng camera na masakit na sa mata... pero parang wala ng mas sasakit sa nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko na nagkita na kaming dalawa pero anong nangyari? Anong kasalanan ko sa kanya? Kailan pa kami nag hiwalay? Alam ko iniwan niya lang ako bigla pero hindi kami naghiwalay. Hindi niya na ba ako mahal? Parang ginuguhitan ang dibdib ko gamit ang matalim na kutsilyo. Sobrang tagal ko siyang hinintay pero kaonting salita niya lang pala ay binasag niya na ko ng tuluyan. "Ms. Philippines, usap-usapan ngayon na may boyfriend ka na." Maraming tanong sa harapan ko pero ang tanong lang na 'to ang pumasok sa isip ko.Pinilit kong ngumiti sa harapan ni

