Chapter 7

1498 Words
Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon dahil paulit-ulit na nagsi-sink-in sa utak ko ang naging usapan namin kahapon ni Travis. "Ikaw na ang umisip ng music at ako na ang bahala sa step," aniya. "E, paano kung hindi mo magustuhan?" katwiran ko. At kagaya nang palaging reaksyon niya ay seryoso niya lang akong tiningnan. "Bahala ka na." At doon na natapos ang walang kuwentang pag-uusap namin. Kaya heto ako ngayon, nagri-research ng magandang music na p'wedeng sayawin. Tutal naman ay nandito ako sa may lumang library ng Unibersidad na nalaman ko lang kay Vern nang minsan kaming napadaan dito. Gusto ko rin kasing makapag-concentrate dahil tahimik dito. "Mabuti na lang at hindi naka-lock ang pinto, sabi ni Vern hindi na raw ginagamit 'to, ah," pagkausap ko sa sarili habang naghahanap ng ma-uupuan. Sa bandang sulok ako umupo kung saan ay may liwanag na makikita mula sa bintana dahil sa sinag ng araw at hindi maitatangging nakapagbibigay iyon ng kaginhawaan sa akin. Isinuksok ko sa magkabilang tainga ang earphone at saka nakinig ng music sa YouTube. Now playing: [Can't Take My Eyes Off You] ? You know it's good to be true, Can't take my eyes of you.. Ang ganda ng bit ah. Mukhang perfect 'to para sa ballroom! And I thank God I'm alive.. You know its good to be true, Can't take my eyes of you.. I love you baby and if it's quite alright, I love you baby to warm my lonely nights, I love you baby, trust in me when I say.. Ni-download ko ang song at habang nagda-download ay nag-play ang isang music sa cellphone ko. Subalit, mukhang hindi iyon pumasa sa panlasa ko kaya naghanap pa ako ng iba at bigla kong nakita ang isa sa kanta ni Bruno Mars. Now playing: [That's What I Like By: Bruno Mars] Nakakaindak, nakaka-goodvibes, nakakawala ng stress. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong napatayo at unti-unting sumunod ang katawan ko sa tugtog. Hindi pa ako nakuntento at tinanggal ko ang earphone kaya narinig ko ito ng malakas. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kusang gumagalaw ang katawan ko. Hindi ko na naisip ang nasa paligid, ang tanging naiisip ko lang ay nag-e-enjoy ako. Wala naman tao kaya kahit maging parang tanga ako rito ay ipinagpatuloy ko. Sumayaw pa ako nang sumayaw at natigilan ako nang biglang tumigil ang tugtog. Animo'y nakaramdam ako bigla ng takot, sa kaalaman ko'y walang taong namamalagi rito dahil sa matagal na itong hindi ginagamit. Sinubukan kong tanawin ang madilim na parte ng silid na iyon. "M-may tao ba riyan?" kinakabahang sabi ko. Nakakabingi ang katahimikan hanggang sa makarinig ako ng yabag ng mga paa na papalapit sa akin. At napaatras ako kaagad nang tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaki. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata dahil baka namamalikmata lang ako. Pero naputol ang isiping iyon nang magsalita siya. "Sino ka at anong ginagawa mo rito?" malamig niyang pagkakasabi. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa sinag ng araw. "I'm sorry, akala ko kasi--" "Na walang tao? Kilala mo ba ako?" Nakaramdam ako ng kaba pero kahit gano'n ay nagawa kong titigan ang mukha niya ng maayos at napalunok ako nang makilala ko siya. Si Diago. Shet, totoo ba 'to? Nasa harapan ko ang crush ko! Napangisi siya at kulang ang salitang kilig sa sumunod na sinabi niya. "I've enjoyed watching you. I think you're the one that I'm looking for." Napakunot ang noo ko dahil hindi ko na-gets ang sinabi niya. "H-ha?" "Follow me," ma-awtoridad niyang sabi. Walang anu-ano'y sumunod ako sa kaniya. "Kahit saan mo pa ko dalhin ay papayag ako, Diago," bulong ko sa isipan. Wala akong ideya kung saan kami pupunta pero malaki ang ibinibigay kong tiwala sa kaniya kaya sumusunod pa rin ako sa paglalakad. Hanggang sa halos matameme ako nang dalhin niya ako sa isang gymnasium na malapit lang sa College building. Maraming kababaihan doon at nakapagtataka dahil mukha silang kinakabahan. Nang ilibot ko pa ang tingin ay napalunok ako nang makita ang mga ka-group niya, lalo na nang makita ko sila Dave. "Jasmine, anong ginagawa mo rito? Mag-a-audition ka rin?" nakangiting aniya, sasagot na sana ako subalit inunahan naman ako ni Diago. "Shut up, Dave. Hindi siya mag-a-audition," sagot niya dahilan para matahimik ang lahat at tila hinihintay ang susunod niyang sasabihin. At hindi ko inaasahan ang gagawin niya dahil bigla siyang umakbay sa akin sa harapan nila. "To all auditionees, I'm sorry to tell you that our hiring of being a girl member is officially closed." Nagbulungan ang mga kababaihan habang makikita ang pagtataka sa mga mata ng ibang Undefeated members. Sandali pa siyang sumulyap sa akin. "Because I found the one that I'm looking for to be part of our group." Hindi mawari ang mga reaksyon nila nang sabihin iyon ni Diago. Maski ako ay hindi rin makapaniwala. At naputol ang sandaling katahimikan nang tumawa sina Geofferson at Topher. "Nagbibiro ka ba, Diago? E, mukhang hindi naman marunong sumayaw 'yan, e?" napapailing na tugon ni Geofferson. "Oo nga!" napapahagikgik naman na sabi ni Topher. Habang si Travis naman ay seryoso lang na nakatingin sa amin. "Nice, Jasmine! Welcome ka rito siyempre!" ani Dave na mukhang siya lang 'yong nagustuhan ang sinabi ni Diago. "Hi, Jasmine!" bati sa akin ng isa sa kagrupo nila at napangiti naman ako sa kaniya. "What a nice name. Welcome to our group," dagdag pa niya at kasabay niyon ang pakikipag- shake hands niya siya sa akin. Sandaling lumingon sa akin si Diago na ngayon ay kausap na sila Travis. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Bukod sa napagmasdan ko siya nang malapitan ay nakausap at inakbayan niya pa ako kanina. "Manuod ka na muna, ah? Bukas ka na mag-umpisang mag-practice," aniya nang makalapit siyang muli sa akin. Napatango na lang ako kahit puno pa rin ako ng curiosity sa sarili ko. Bakit ako pa? Nanuod lang ako sa practice nila habang hindi pa oras ng klase, dalawang oras naman kasi ang lunch break kaya medyo matagal. Nang mag-break time sila ay saka ko lang ulit nilapitan si Diago. "Diago." "Yes, Jasmine?" "S-sigurado ka ba talagang.. ako na ang napili mo?" Napangisi siya. "Kailan ka ba maniniwala?" "E, kasi-- hindi ko alam kung tatanggapin ko ang offer mo." "Bakit naman?" "Wala kasi akong tiwala sa sarili ko, e. Isa pa, baka lalo lang akong ma-bully kapag naging parte ako ng dance group ninyo." Napatitig siya sa mga mata ko dahilan para mapalunok ako. "Alam mo ba kung bakit kita napili?" "B-bakit?" Napangiti siya at halos tumalon ako sa kilig sa isinagot niya, "Because I like you." Animo'y bigla na lang nag-init ang pisngi ko subalit kaagad na napawi 'yon nang magsalita siyang muli. "What I mean is, I like you because I think malaki ang maitutulong mo sa grupo namin, isa pa.. you're simple but unique at sa'yo ko lang 'yon nakita among other girls na nag-audition pa. Ikaw? Itinatago mo lang ang talent mo." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. "So you understand now?" tanong pa niya na nagpataas ng kilay ko. Sandali siyang napahagikgik kaya napangiti na lang ako. "Salamat, Diago, ah.. kung hindi rin lang sa'yo ay hindi ko tatanggapin ang ino-offer mo." "Ano ka ba, wala 'yon. At saka 'wag ka nang magdalawang isip! Ako ang bahala sa'yo sa grupo." Pilit niyang pagpapalakas ng loob ko. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig sa kaniya kaya napansin ko ang dimple niya. "Jasmine!" Parehas kaming napalingon sa boses na 'yon at nakita na lang namin na papalapit sa amin si Dave. "O, Dave!" sabi ni Diago. "Isasabay ko lang sana si Jasmine," aniya at saka siya tumingin sa akin. "Magta-time na, sabay na tayo pumasok sa room?" Nagkatinginan pa kami ni Diago at tanging tango lang ang isinagot niya sa akin. "Oo nga pala at may klase pa. Okay, guys see you tomorrow." At saka siya muling tumingin sa amin ni Dave. "Jasmine, bukas, ha? Sumabay ka na lang kila Dave, tutal naman ay magkaklase pala kayo." "Sige po," sagot ko. "Po?" natatawa niya pang sabi. "Para namang ang tanda ko na!" dagdag pa niya. "Ah, sige, Diago, see you tomorrow." Hindi ko alam pero sobrang saya ko ngayong araw, hindi dahil naging parte ako ng dance group nila kundi dahil.. nakausap ko siya sa unang pagkakataon. Pero paano ko ba magagawa ng maayos ang magiging role ko sa group nila kung itong puso ko ay ayaw tumigil sa pagtibok sa tuwing kausap siya. Paano matatanggap ng mga ilang estudyante ang pagiging member ko sa Undefeated? Mukhang kailangan ko nang paghandaan ang pangbu-bully sa akin ng grupo nila Hanna. Dahil hindi madali at napaka-challenging ang pinasok ko. Siguradong mabibigla nito sila Vernice kapag nagkataon na malaman nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD