Dave's POV Pambihira! Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon kanina. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagkindat sa kaniya matapos ko siyang hindi pansinin at iwasan ng ilang linggo. Doon ko sinubukan pigilan pero nakakaasar dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Gusto ko pa rin si Jasmine, gustong-gusto ko pa rin siya. Isa pa ay hindi ko maalis sa sarili ko ang magselos kay Travis, sa kadahilanang siya ang napiling i-partner kay Jasmine. Ilang ulit kong pinaglaruan ang ballpen ko. Sobra akong napahiya sa sarili ko, hindi ko pa man naririnig mula sa bibig ni Jasmine kung gusto niya akong makapareha ay ang katotohanan naman na may nakalaan nang ipapareha sa kaniya. Sa galing niya ba naman sa pagsayaw ay siguradong magiging maganda ang magiging outcome ng sayaw. Subalit

