Isang linggo ang lumipas at tahimik lang akong naglalakad sa may hallway nang matanaw ko si Dave sa hindi kalayuan, tatawagin ko na sana siya nang hindi naman sinasadya na may makababangga ako. "Ouch! How dare you?!" Natapon ko lang naman ang shake na hawak-hawak niya sa kaniyang damit. "I'm sorry, hindi ko sinasadya--" natigilan kong sabi dahil sa biglaan niyang pagsampal sa akin. Napahawak na lang ako sa pisngi ko na nilapatan ng kamay niya. Malakas ang pagkakasampal niya kaya namanhid ito. "You deserve that slap! You're such an ass! You ruin my day, b***h," taas kilay niyang pagkakasabi. Napataas din ang kilay ko habang hindi niya ako inaalisan ng tingin. Teka, sino ba siya? Ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko akalain na may mas tataray pa pala kay Hanna. "S-sandali lang naman,

