After one week. Jasmine's POV Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang Stanford University Intramurals Big Event Day! Pinangungunahan ng mga athletes, cheerdancers, muse & escort, at siyempre magpapahuli ba naman ang dance group mula sa iba't ibang campus kasama ang grupo namin na Undefeated! Maganda ang costume na ini-sponsor ng school sa amin, at siyempre hindi lang costume kundi ang buong sayaw namin. Last week ay dito namin iginugol lahat ng oras namin, maliban kina Travis, Dave, Geofferson at Topher dahil kasali sila sa basketball team. Nakakatuwang isipin, dahil sa almost two months na pagpa-practice namin ay na-perfect na rin namin ang sayaw at nakasabay ako sa kanila kahit mag-isa lang akong babae sa grupo. Nabawasan na rin ang mga bullies sa buhay ko, maliban na lang sa

