Nasa harapan ko ngayon si Diago at aaminin kong hindi ko 'to inaasahan. Sandali pa siyang lumingon kay Travis bago pa ako tuluyang harapin. "Salamat, man," wika niya kay Travis. "You're always welcome," sagot ni Travis. Saglit din siyang lumingon sa'kin at saka tuluyang umalis. Gusto nang tumalon ng puso ko dahil sa sobrang tuwa. Batid kong hindi siya ang first dance ko kung 'di si Travis pero nakadama pa rin ako ng excitement. "Jasmine? Okay ka lang ba?" tinig niya kaya sandali akong napasulyap sa kaniya. Masyadong halata ang kabang nararamdaman ko kung magsasalita ako kaya ngumiti na lang ako. "Kanina pa kita hinahanap, mabuti na lang at napakiusapan ko si Travis na maisayaw ka," sabi pa niya at sumilay ang napakaganda niyang ngiti na hinahangaan ko. Nakahawak ang dalawa niyang kamay s

