Lumipas ang ilang araw.. "Good job guys!" sigaw ni Diago nang matapos naming ipanuod sa kaniya ang buong sayaw. Kaniya-kaniya naman kaming pahinga subalit napansin kong hindi nag-uusap ngayon sina Dave at Jasmine habang nakangiti naman na magkausap sina Diago at Jasmine. Napailing na lang ako sa nakikita ko. Simula nang malaman ko na gusto talaga ni Dave si Jasmine ay iniwasan ko na rin ang sarili ko na 'wag nang mainis kay Jasmine. Kapansin-pansin din na ngayon ay hindi na rin lumalapit sa aming tatlo si Dave, at mukhang tinotoo talaga ni Geofferson ang sinabi niya. Uminom na muna ako ng tubig dahil napagod ako at hindi ko inaasahan na bubungad sa akin si Geofferson. "Hey bro, what's up?" aniya. "Okay lang," tipid kong sagot. "Tinanggal mo na talaga si Dave sa grupo?" singit ni Toph

