Anthony's POV (Vernice & Anthony's Special Chapter) Now playing: [Baby Ko By: Zandro] ? Baby ko, kumusta ka na? Ako ba'y iniisip mo ba? Baby ko, hanggang saan ang tamis ng 'yong pagmamahal? Ako ba'y iyong mahihintay? Sa kabila ng ating mga away, Kung sakaling wala ka na sa akin, Baby ko, patuloy bang mamahalin? Agad kong pinatay ang tugtog sa radyo at nagmadaling bumangon, masyado kasing ma-drama at lalo lang akong nalulungkot. Wala akong planong pumasok ngayon dahil naiinis pa rin ako kay Vernice! Kagaya nang dati ay mabilis akong nakaligo at nakapagbihis. Hindi ko na rin nagawa pang kumain dahil wala akong gana. Nakakawalang gana kumain kapag ganito kami. Ilang araw na kaming walang komunikasyon at walang pansinan. Sabi niya ay busy lang daw siya sa pag-aaral kaya nitong mga

