SALVI Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa tapat ng salamin. Sinusuklay niya ang kanyang buhok at itinago ang sugat niya, gawa ni Cristobal no’ng gabing iyon. Dalawang buwan na rin ang nakaraan, sariwa pa rin niya ang nangyari sa kanya. Buti na lang may dumating nang gabing iyon, kaya nailigtas siya sa kapahamakan. It’s been 6 months already na may relasyon silang dalawa ni Sebastian. Kung hindi siya naging stalker ng binata at makulit na babaeng palaging nagpapansin rito baka hindi niya ito magiging nobyo. Umabot pa ngang pinapulis siya ng binata dahil sa pagiging stalker niya. Hindi siya nagsisisi na naging stalker siya nito dahil tingnan mo ngayon, mahal siya ng binata at higit sa lahat ay inaalagaan siya nito ng mabuti na higit pa sa inaasahan niya. Masarap magmahal, mag-aruga, ma

