SEBASTIAN GALVEZ Nagising na lang si Sebastian na sasapo ang ulo dahil sa hang over. Napahilot siya sa kanyang sintido para maibsan ang sakit. Talaga nga namang natamaan siya kagabi. Ang nakapagtataka nga lang ay ilang basong alak lang naman ang nainom niya at mataas ang tolerance niya. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ang dali niyang natamaan ng alak kagabi. Natigilan siya ng biglang sumagi sa kanyang isipan ang nobya niyang si Salvi. “s**t!” Mabilis siyang bumaba sa kama at nagkukumahog na umalis. Baka nag-alala si Salvi sa kanya dahil hindi pa rin siya umuwi. Napakapa siya sa kanyang bulsa para hanapin ang susi niya. Napabilang ang kanyang atensyon sa pintuan ng bumukas iyon. Nakita niyang si Henry ang pumasok at nagtatakang nakatingin sa kanya. “Bakit hindi mo ako ginisin

