SALVI Kababalik lang nila kaninang umaga sa farm galing sa double celebration, the proposal at graduation nito kahapon. Nakangiting hinaplos niya ang kanyang singsing na suot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magpropose ito sa kanya kahapon. Sobrang na- overwhelmed siya dahil wala siyang salitang mailabas dahil sa gulat na kanyang naramdaman. Napakunot ang noo ni Salvi nang marinig niya ang yabag sa kusina. Nakapagtataka na nandito kaagad sila Nanay dahil napagdesisyon kasi nila na doon na kumain sa Nipa Hut ng hapunan. Wala naman kasing problema sa ilaw dahil may solar lights naman doon na malaki. Kaya malaya silang mag- picnic doon kahit gabi na. Napatigil siya ng may narinig na naman niya ang yabag galing sa kusina. Imposible namang si Sebastian kasi kaalis lang a

