CHAPTER 36

2154 Words

CRISTOBAL GARCIA Sa kabilang banda, nagngitngit ang kalooban ni Cristobal na nakatanaw sa magkasintahan na masayang nag-uusap sa labas ng Villa. Hindi niya akalain na kaya talaga siyang ipagpalit ni Salvi. Hindi niya alam kung bakit hindi siya nito kayang mahalin. Napakuyom ang kanyang kamao, kitang-kita niya sa mga mata ng asawa ang pagmamahal na matagal niyang inaasam, na mahalin siya nito. Nakikita niya mula sa mga mata ng asawa kung paano nito titigan si Sebastian. Nasasaktan siya dahil hindi niya iyon naranasan kay Salvi. Iyong titig na puno ng pagmamahal, iyong titig na ikaw lang ang lalaki sa buhay nito at iyong titig na takot na mawala ka. Hanggang asa na lang ba siya nito? Pero, hindi! Sa kanya lang si Salvi. Hindi pwedeng si Sebastian ang mananalo sa buhay nito. Naalala niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD