SALVI DEL FABIAN Malawak ang ngiting pumapalakpak siya nang makita kung gaano kagaling si Sebastian sa pag-surfing. Hindi niya akalain na ganito ito kagaling sa larangan ng mga surfers. Mas lalo siyang pinahanga dahil sa talentado ang nobyo niya. Kahit paano ay nalibang ang kanyang sarili at hindi naisip si Manang. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya ito makikita kung saan ito nakalibing. Talagang pinagkait siya at kinuha ang importanteng tao sa buhay niya. Tama nga naman ang sinabi nila na walang permanente sa mundo kung ‘di pinalasap lang sa’yo kung paano ka mahalin at saktan sa huli. Napabuntong-hininga siya at ipinilig niya ang kanyang isipan. Napahiyaw siya nang makita kung gaano ito kagaling. Unti-unti na ring nababawasan ang mga kalaban nito. Kapag nawalan ng balanse o sumimpla

