Noong gabi bago ako nakalabas sa ospital, nagkaroon ng pagkidlat at pagkulog sa labas ng bintana, at bumuhos ang malakas na ulan sa buong magdamag bago ito tumigil sa madaling araw. Kinaumagahan, abala si Sue sa pagtulong sa akin sa mga paperworks para makalabas ng ospital. Ang karamihan sa mga sugat ko ay gumaling na, nakasandal ako sa kama ng ospital at nanonood ng TV. Sa TV, isang balita ang ipinapalabas, at isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa ilalim ng isang malayong gilid ng burol sa hilaga ng lungsod. Ang malakas na ulan kagabi ang tumangay sa katawan ng lalaki. Sa oras na ito, lumabas din sa notifications ko sa celfone ang tungkol sa balitang ito. Binuksan ko ito at ipinakita ang bangkay na nakuha ng awtoridad dalawang oras na ang nakakaraan. Nakita sa kalapit na baranga

