Chapter 14 Third Person's Point of View (What the f*ck King! Sino’ng naanakan mo?!) Napatalon si Tam tam sa lakas ng sigaw ni Kris kaya mabilis siyang lumapit kay King saka ibinalik ang cellphone sa Daddy niya. “Daddy! Huhuhu. I-I’m scared of your phone..” sinubsob nito ang mukha niya sa dibdib ng ama na natawa sa reaksyon ni Kris at Tam tam. “Hahahaha. You’re such a coward, Sam.” Pang-aasar pa ni Christian. Kinuha ni King ang cellphone at iniharap sa kanya. Bumungad si Kris na kulang na lang ay mag-isa ang magkabilang kilay sa pagkakakunot ng mga ito. “Hey kamusta?” King asked cooly. (Anak naman ng pating King! H’wag mong ibahin ang usapan. Sino ‘yang dalawang ‘yan?) tukoy ni Kris kina Christian at Sam na nasa magkabilang side na pala ni King at nakikiusyoso sa kausap ng Daddy nil

