Chapter 5
Yuka’s Point of View
“K-Kailangan po ba talaga naming lumipat sa bahay niyo? Nakakahiya naman po, sir-”
He glared at me, “I’m your husband and not your boss. Stop being formal and yes, you have to.” Sabi niya. Grabe naman ‘to. Napapaisip tuloy ulit ako kung totoo ba talaga mga pinagsasabi niya na asawa ko siya. Imagine? Ang seryoso ng mukha niya at mukhang minsan sa isang taon lang ngumiti. Akala ko pa naman tama yung hula ko na isang sweet at smiling face ang ama ng mga anak ko. Kabaligtaran yata. Expect the unexpected nga naman.
“H-Hehe. S-Sorry, King-”
“Call me, Daryl.” Aruy kitams? Natarayan nanaman ako. Shems! Mataray pa yata ‘to sa ‘kin. Pa’no kaya ako nagkagusto sa lalaking ‘to?
Ngumiti lang ako kahit medyo pilit, “O-Okay…..Daryl,”
“Daddy, we will live in one house?”
Ngumiti siya kay Tam tam na kanina pa nakakandong at nakayakap sa kanya. Buti pa ‘tong baby Tam tam ko feeling close agad sa kanya. “Yes, Tam tam. Ayaw mo bang tumira kasama si Daddy?” mabilis na umiling at hinigpitan ang kapit kay Daryl kaya natawa kaming pareho. Kakakilala lang nila ngayon pero kung makadikit ‘tong baby ko parang cute na unggoy. Pero sa kabila nito, ang saya ko at ang gaan ng loob ko habang tinitignan ko sila.
“When are we moving?” tanong naman nitong baby Chan chan kong alam ko na kung kanino nagmana. Kung yung isa kanina pa nakakapit, siya naman ay nakaupo lang sa tabi ni Daryl at naka folded arms. O diba? Ni isa sa kanila ay walang tumabi sa ‘kin. Huhuhu. Inabandona na ‘ko ng mga babies ko.
“You will move today, son.”
Nanatili kami sa ganitong posisyon dahil naiilang naman akong kausapin siya. Hindi pa ‘ko ganun ka-kumportable na kaharap siya. Napapaiwas ako ng tingin sa tuwing dadapo ang tingin ko sa kanya dahil mataman itong nakatitig sa ‘kin. Lulusawin yata ako nito hanggang mamaya.
"May titignan lang ako sa labas." sabi ko at saka agad na tumayo. Pero bago ko pa man mabuksan ang pinto...
"What are you gonna look fo-"
“Hoy King! Ano nanaman ba’ng trip mo at…nag…pa…bi…li…ka ng..ga…..tas…M-Multo!!” biglang nanlaki ang mata ng lalaking kakapasok pa lang. Shems! Multo daw! At nakaturo siya sa akin!
“Ghost!! No!!! Ghost!! Uwaaaaaaa!!”
Shems! Ang baby Tam tam ko ay takot nga rin pala sa multo kaya ayun, kumaripas na naman ng takbo.
“MULTO!!”
“GHOST!!”
Dalawa sila ngayong nagtatakbuhan dito sa loob ng opisina ni Daryl. Napakamot tuloy ako ng ulo. Baka isa ang lalaking ito sa mga nakakakilala at may alam na patay na ako kaya akala niya ay multo ako. Oh jusko! Mahirap din pala ‘tong sitwasyon ko. Multo sa paningin ng iba.
Pati si Daryl nakitakbo na dahil hinahabol niya si Tam tam na napakabilis tumakbo. Napakaliit na bata pero akala mo rabbit sa bilis! Ito namang si Chan chan ay nanonood lang na kulang na lang popcorn. Nahuli ni Daryl si Tam tam na nagpupumiglas pa sa pagkakahawak sa kanya.
“You’re really a coward, Sam. Grow up! Stop acting like a child in front of everyone.” Sabi ni Chan chan.
“And you stop acting like a matured guy, Christian." sabi ko at saka lumapit kay Tam tam. Minsan talaga nauubos din ang pasensya ko kay Chan chan sa sobrang matured niyang magsalita. Lagi na lang inaaway 'tong si Tam tam porket isip bata sa kanya which is tama lang sa edad nila.
"T-Teka ano'ng n-nangyayari?! P-PRINCESS?? Tama ba ang nakikita ko? Ikaw nga ba 'yan, Yuka?" alangan akong sumagot pero tumango na lang ako.
"Ano'ng ibig sabihin nito, King? Paano nangyari 'to?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Saka 'ko na ikukwento kung paano. Magtatanong din ang iba kaya kapag kumpleto na kayo saka ko na ipapaliwanag. All I can say is, she can't remember anything including ..... me." napaiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Parang nakaramdam ako ng guilt kahit alam kong hindi ko naman din ginustong hindi sila maalala.
"Eh sino yung mga pumasok dito sa kumpanya mo? Wala bang nasaktan?" kita ang pag-aalala sa tanong niya.
Nakangiting umiling si Daryl. "These two angels." sabay iniharap niya dun sa lalaki si Tam tam at kinuha si Chan chan. "My twins. My sons." proud na pagpapakilala nito sa mga anak ko. Shems naluluha ako.
Dahan dahang lumapit sa pwesto ko yung lalaki at niyakap ako pati ang mga anak ko ng mahigpit. Naramdaman ko ang patak ng tubig sa balikat ko at bumulong siya, "Salamat at bumalik kayo......salamat at.....binuhay niyo ang dating King Daryl Smith."
***
Third Person’s Point of View
Laking pasalamat ni Yuka at hindi natapon ang gatas na nakabaso at nakaboteng dala ni Dennis kaninang kumaripas ito ng takbo kasabay si Tam tam. At ngayon ay tahimik na umiinom at dumedede ang kambal. Si Chan chan nan aka-ulunan sa hita ni King at si Tam tam na bumalik sa kandungan rin ng ama.
“Wow. I still can't believe this. You’re a father of twins,” Dennis stated.
Kasalukuyan silang nagkukwentuhan ngayon sa opisina ni King and Dennis being himself, hindi nawala ang pagkamakulit at chismoso nito.
“Same here. Who would have thought I could this be happy? I have my wife….my kids.”
“You’re the man! And I’ve just realized now how great you are. Biruin mo, naka-shoot ka pala ng kambal 5 years ago?”
“Ulul!”
“Da…ji….can I play with him too?” bulol na tanong ni Tam tam dahil nakasubo ang dede niya sa kanyang bibig.
King slightly pinched his cheeks, “Of course you can, baby.”
“Yun oh! Wanna join us then, Chan chan?”
Christian just gave him a bored look. “No thanks. I have tons of books to read.” Diretsang sagot nito.
“Oww…. Mukhang may maliit tayong version mo at ni Kevin.”
Napangiwi ng konti si Yuka sa tinuran ni Dennis dahil napansin din pala nito ang pagkakahawig ng ugali ni Chan chan sa ama. “Pagpasensyahan mo nalang at medyo hindi pambata ang ugali niya. Ganyan na talaga siya ka-seryoso noon pa man.”
“Mana mana lang talaga siguro ‘yan, Princess. Dahil kahit no’ng bata pa kami ay ganyang ganyan din si King! Walang pinagkaiba! Ahahahahaha.”
“Woah! Talaga??”
“Oo! Yung tipong sa school, siya pa minsan ang nagtatama sa teacher namin! Tapos kapag may kumausap pa sa kanya na schoolmate namin, siguradong umiiyak na pag-alis,”
“Ganyan! Ganyan din si Christian!”
“Ahahahahaha! Tapos straight face lang??”
“Tama!”
“Talking about us like we’re not around, huh?” King and Christian said in chorus.
Nagkatinginan sina Dennis at Yuka saka sabay na tumawa. Mag-react ba naman ang mag-ama na parehong pareho pang magkasalubong ang kilay? Pati si Tam tam ay nagulat pa sa itsura ng dalawang katabi niya.
“See?” sabay kibit balikat pa ni Dennis.
Pagkatapos nilang mapagkwentuhan ang difference ng kambal at similarities nila kay King ay nagpaalam na rin si Dennis. Bago siya umalis ay sinabi rin niyang siya na ang bahalang mag set ng date at place para sa mini reunion kasama ang iba pang mga kaibigan na paniguradong matutuwa sa makikita nila. Kasalukuyan daw kasing naka-out of town pa sina Kevin at John samantalang susubukan daw niyang kontakin sina Jasper at Kris na nasa ibang bansa.
“Let’s just meet outside. Baka magtaka ang mga empleyado mo kapag sabay sabay pa tayong lumabas,”
“So what? Let them,”
“But they doesn’t know a single thing yet. Mahirap na at kasama pa naman natin ang mga bata,” Napabuntong hininga na lang si King. “You may be lost your memories but not your perspective. Same like before.”
“What do you mean?”
“You always keep the truth from other people, like how you wanted to keep our relationship with them,”
“You mean….”
“Yes. You were secretly in a relationship with me.”
Nagulat si Yuka at mas lalong nagtaka sa kung anong klaseng relasyon meron sila noon.“We’ll talk about that later, Mr. Smith. You really have lots of explanations to do.”
“It’s my pleasure, Mrs. Smith.”
Hinatid sila nito sa pintuan at lumabas si Yuka kasama ang kambal. Sunod ang tingin ng mga empleyado sa kanilang tatlo. Hindi na lamang pinansin ni Yuka ang makakahulugang tingin ng mga ito at nagpatuloy lang sa paglalakad samantalang matatalim na tingin ang pinupukol ni Chan chan at todo make-face ang ginagawa ni Tam tam sa bawat taong madaanan nilang nakatingin sa kanila.
‘Bwisit iyang mga batang iyan!’
‘Ang sarap tirisin!’
‘Lalo na yung maliit naku!’
‘Sarap ding dukutan ng mata nung isa tignan niyo ang sama ng tingin.’
‘Mukhang mga spoiled brat eh.’
“Bleh!” sabay hila pa ni Tam tam sa ilalim ng mata niya. Mas lalong umusok ang ilong ng mga empleyado sa kanya.
“Ma’am dito na raw po kayo sumakay,” pinagbuksan sila ng pinto ng isang may edad na lalaki. Ang personal driver ni King. Sa loob na ng sasakyan nila hinintay si King at ilang minuto lang ang lumipas nang dumating ito. Sa backseat silang lahat nakaupo. Ibinigay ni Yuka ang address ng apartment na tinutuluyan nila at si King na ang nagturo sa driver niya kung paano makarating doon.
Kay Yuka naman ngayon nakakapit na parang tuko si Tam tam at si Chan chan kay King.
“Mommy~~ Mmmmmwaaaaa! Hahahahaha.” isang malutong na halik nanaman ang ibinigay ni Tam tam sa Mommy niya at halos puno na ng laway ng anak ang mukha ni Yuka.
“Aren’t you yet tired, baby? Look at little Kuya. He already fell asleep.” natatawang tanong nito sa anak dahil dinaig pa ang uminom ng isang box ng enervon sa sobrang hyper!
“No, Mommy~ I still wanna play with you,”
At kung ano ano ang mga kalokohan pa ni Tam tam ang sinakyan na lang ni Yuka habang si King ay tawang tawa rin sa kanyang mag-ina.
“Nyahahahaha. You lose again, Mommy! I’m so great,”
“Ssshhh… Ikaw talaga ang ingay mo kita mo ng tulog si little Kuya,”
“Ooops. Hihihihi. Sowiiiii, Mommy. Hihihihi,”
Nakarating sila sa tinutuluyan nilang apartment. Binuksan ito ni Yuka at pinatuloy si King na buhat ang natutulog na si Chan chan medyo may kalakihan naman ito at disente kaya nawala ang pangamba ni King na baka nahirapan ang mag-iina niya sa pagtira sa Pilipinas.
“Aayusin ko lang ang mga gamit ng mga bata sa taas,” paalam ni Yuka kay King.
“Let me help you,”
“No it’s fine. Tulog pa si Chan chan kaya ikaw na lang muna ang bahala sa kanila. Ako na sa taas,”
“Mommy, don’t forget my toys and Kuya’s books,” paalala ni Tam tam bago umakyat si Yuka.
“Yes, baby.”
Isang malaki at dalawang maliliit na maleta ang natipon ni Yuka pagkatapos niyang makapag-ayos. At dahil gising na rin naman si Chan chan ay si King na ang nagbuhat ng mga ito pababa ng hagdan.
“Wala naman na siguro akong nakalimutan,”
“Okay then let’s go,”
Ipinasok ng driver ni King ang mga maleta sa compartment ng sasakyan at saka sila dumiretso sa bahay na tinutukoy ni King.
Nang makarating sila ay hindi naiwasan ni Yuka ang mamangha sa bahay o mas bagay tawaging mansion. “Wow ang laki. Sino’ng kasama mong nakatira dito?” tanong niya agad pagkababa nila.
“Supposed to be… you. This was the house I bought when we got married. But because of the accident that was happened, all my plans for our family was been ruined. And this is my first time visiting this house again.” Sagot ni King habang nakatitig sa bahay na inihanda niya noon pa man bilang surpresa para kay Yuka. Ang bahay para sa kanyang pamilya na akala niya’y mananatiling hanggang pangarap na lamang. “Let’s go inside?”
Tumango si Yuka at sumunod kay King. A very homey ambiance welcomed them. May tatlong kwarto sa taas at dalawa sa ibaba. Kumpleto na ang mga kagamitan nito at halatang kahit na walang nakatira ay alagang alaga pa rin dahil sa sobrang linis. Nilibot nila ang bawat parte ng bahay at kada tingin nila ay hindi maiwasan ni Yuka na mamangha sa napakagandang disenyo nito.
Umakyat sila sa taas at inayos ang gamit ng kambal. Sanay ang dalawa na magkasama sa isang kwarto kaya hindi na sila pinaghiwalay pa.
“And this room….is the masters bedroom,”
May King size bed at malawak na veranda. Carpeted ang sahig at kumpleto rin ang appliance nito. Sound proof ang buong kwarto at napaka-elegante ng interior design.
“H-Hehehe. A-Ang g-ganda. S-San pala yung k-kwarto ko? Yung n-nasa baba ba? S-Sige ayusin ko muna do’n ang mga gamit ko.”
“You’re not going anywhere. This is your room. This is our room.” Seryoso ngunit makahulugang sagot niya sa asawa.
“M-Magkasama tayo??” namumutlang tanong ulit niya bilang pagkumpirma.
He stepped closer to her and whispered, “Exactly…wife.” He answered with a smirk on his face and closed the remaining space between them.
***