Chapter 18 Yuka’s Point of View “Good morning, Hubby! Gumising ka na~~ Breakfast is ready!” “Hmmm..” hindi siya bumangon at nagtakip pa ng unan sa ulo. Tumingin ako sa mga kasama ko. Syempre sino pa ba kundi ang mga cute na cute kong babies! I gave them a look and they nodded in response. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa mga anak ko. Maaga kasi akong nagising at naisipan kong maghanda ng almusal dahil gusto ko sanang bumawi kay Daryl. Saktong pagkaluto pa lang ng kanin ay naghahabulan na ‘tong makukulit na ‘to. Hindi pa nakuntento at nakisali pa sila sa ginagawa ko. Nag-insist silang tumulong kaya naman binigyan ko sila ng magagawa. Sila ang naging tiga-basa ng instructions mula sa recipe book ko. Hep hep hep! H’wag small-in ang mga babies ko dahil mabilis nang magbasa ang mga ‘yan

