Chapter 52

1948 Words

Hindi mapakali si Sarrah kaya gusto niyang kausapin ang Inay niya. Panahon na para klaruhin kung totoo ba na iba ang ama niya kumpara sa dalawa niyang kapatid. Hindi niya nagawang klaruhin 'yun noon dahil nagulat din siyang talaga. Pero ngayon ay baka handa na siya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago muling idinial ang telepono ni Aljon. Gustuhin man niyang personal na klaruhin sa ina ang pagkatao niya ay hindi naman siya makakauwi. Nakapagsimula na siya ng maliit niyang pagkakakitaan. Hindi na rin niya maiwan si Dylan dito sa Maynila kahit pa hindi naman sila personal na nagkakasama. "Anak..." Pumayat ang Inay niya dahil na rin sa pinagdadaanang sakit sa baga. Wala pa daw ang resulta ng biopsy sa kinuhang tissue nito sa likod pero patuloy na ang iniinom nitong kung an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD