"Panindigan mo 'yan," nakatawang wika ni Dylan habang hinihintay siyang yumuko pa at simulan na dilaan ang ice cream. Bigla lang dinaga ang dibdib niya. Pakiramdam niya'y hindi rin niya magagawa. "Ipagluto na lang kita. Anong gusto mong hapunan?" Isang halakhak ang pinakawalan ni Dylan. "I know you can't do it. Sinusubukan mo pero hindi mo kaya." Sa halip na pilitin siyang gawin iyon ay kinuha nito ang kamay niya saka inilapat ang daliri niya sa dibdib nitong may ice cream. Pagkatapos ay isinubo nito mismo ang daliri niya. "That's how you lick an ice cream, babe." Dumaloy na naman ang kung anong init sa katawan niya sa ginawa nitong pagdila at pagsipsip sa daliri niya. Kumuha rin ito ng kapirasong ice cream gamit ang daliri nito bago itinapat sa mga labi niya. "Try it." Ibinuka niya a

