"I will kiss you... And I will touch you, Ariana..." "No!" kaagad na sagot ni Ariana. Hindi niya alam kung bakit parang may kung anong kiliting lumitaw sa tiyan niya pababa sa puson. "Why?" "Anong why? Kasasabi ko lang na ayaw ko nang nahihipuan ako." "Nolan's touch is different." "What difference does it make?" "You like me." "I liked him too. Or I thought I did," pag-amin niya. Gwapo rin naman talaga si Nolan kaya binigyan niya ng tyansa baka mawala ang anumang damdamin niya kay Troy na lantaran naman siyang tinatanggihan. "Ako? Ano ang damdamin mo sa 'kin?" "I told you there's no reason we should talk about us. Ikaw ang nagsabing----" "But I like you! I like you, I love you, I want you already!" Nakawala siya sa mga bisig ni Troy pero nakasunod ito kaagad sa kany

