Wala talagang mapagsidlan ang tuwa ni Sarrah ngayong kasama niya ang Inay at mga kapatid niya matapos ang ilang linggong pagkawala niya sa Aurora. Miss na miss niya ang mga ito na wala siyang ginawa kung hindi yumakap dahil para pa rin siyang nananaginip. Masuwerte siyang mabait si Dylan na hinahayaan siyang makasama ang pamilya niya sa ngayon. Kay Mang Estong ito laging nakadikit na kung ano ano ang tinatanong tungkol sa lupain. Nagsusulyapan lang sila mula sa malayo dahil bawal malaman ng mga ito na may relasyon silang dalawa. "Ang gwapo pala ni Sir Dylan, ate. Wala bang kapatid 'yan?" tanong ni Ciara na ikinangiti niya. "Sana kapag nagka-boyfriend ako ganyan ka-gwapo at ganyan kabait." "Hoy, Ciara, bata ka pa ha. Anong boyfriend boyfriend ka d'yan," saway niya. "Hindi naman

