"Kaya naman pala kung makangiti si Dylan dinaig pa ang bente anyos. Wife material naman pala ang surrogate mother," tudyo kaagad ni Luis nang ilabas niya ang pagkaing dala. Masarap pa naman ang chicken lollipop at kung hindi lang siya nag-iinit sa harap ni Sarrah kanina ay doon na siya kumain. Pero kung makasimot naman ito ng sauce sa manok parang kinikiliti ang pagitan ng hita niya. "Tantanan niyo 'ko, dinalhan ko na nga kayo ng pagkain." "Baka para sa 'yo lang'to? Kapag nagayuma kami nito may kahati ka pa kay Princess Sarrah," biro naman ni Raphael. "Ayaw niyo?" "Ang arte mo Raphael," komento naman ni Duke na kinuha ang isang tub. Naroon na ang kanin at ulam. Bumili na lang siya ng malamig na beer sa isang convenience store. "Ipinagdala na nga tayo ng pagkain umaangal ka pa." "

