Alas singko pa lang ng umaga ay gising na gising na ang diwa ni Sarrah. Bumangon siya para tingnan kung totoong dito natulog si Dylan. Akala niya'y umalis na ito dahil walang nakahiga sa sofa. Sa carpeted floor pala ito natulog na hindi siguro mapagkasya ang sarili sa sofa sa haba ng katawan nito. Hindi niya alam kung paano ito paaalisin. Pagkatapos nitong hindi magparamdam noong isang araw at maging malamig ang pakikitungo sa kanya kahapon ay gusto niya na ring idistansya ang sarili. Akala niya'y totoong nagkakagusto na ito sa kanya. Kailangan lang pala talaga siya nito para magkaroon ng anak. Muntikan nang mahulog ang loob niya. Kahapon pa lang ay gusto niya nang umiyak lalo nang sigawan siya sa parking lot. Siya pa ang sinisisi dahil hindi nabuo ang bata sa sinapupunan niya. Gusto p

