Chapter 3

1468 Words
Pag-alis ni Ara sa table niya ay kausap niya na si Karla. He called her to remind himself he has a wife. "The show is about to start, babe. Enjoy the night with your friends, okay?" "I need you here, babe. Will you come home?" "Ano ka ba... Kasama mo naman ang friends mo bakit hindi ka mag-enjoy? Kahit mag-table ka pa ng babae. As long as you don't get her pregnant and you bed her only once, it's okay. Use protection all the time." "I can't believe you're saying that. You are my wife for Pete's sake!" inis niyang sabi sa asawa. "I'm just being practical. Lalaki ka at may pangangailangan ka." "Okay lang sa 'yo basta huwag lang kitang pauwiin dito, hindi ba? Mas importante sa 'yo 'yang career mo kaysa maayos ang relasyon nating mag-asawa!" "Are we going to fight just because of that? Kung ayaw mong mag-table ng babae e di huwag? Ang sinasabi ko lang sa 'yo okay lang naman sa 'kin. But of course, I love your faithfulness. I will come home soon, okay?" Ibinaba niya ang telepono nang naiinis pa rin. Gusto niya nang umuwi. Pagbalik ni Ara ay kasama na nito ang mga kaibigan niya na galing sa kung saang parte ng club. Si Duke at Troy ay wala ng kasamang babae. Kung sino pa ang may maayos na pagsasama sa asawa ay siyang may kaakbay na babae ngayon na gusto niyang tumawa. What's happening with these women? "Uuwi ka na? Maaga pa," pigil ni Raphael. Ang nasa harap niya ay magandang babae na si Ara. "I need to go before I can't drive anymore." Kinapa niya ang susi sa bulsa. "Isang bote na lang, last na." Tinawag ni Luis ang isang waiter para um-order pa ng alak. Umupo na lang siya ulit para pag-isipan kung tama ba na isabay niya si Ara sa kotse niya. Kapag natangay siya sa tukso ay tiyak niyang masusundan na 'yun ng isa pa. At isa pa. Hanggang sa matulad na lang sila kay Duke at sa asawa nito na hindi na gustong ipagpatuloy pa ang pagsasama. Nagpatuloy ang inuman. Si Luis at Raphael ay may kanya-kanya nang kaakbay na babae. Si Duke ay kaswal lang na nakikipag-usap sa isa pang babae habang siya ay pilit ding iniiwasan si Ara. Paglagpas ng alas dose ay nagpaalam na rin si Duke na uuwi na dahil walang kasama ang bisita nito sa bahay. "May bisita ka?" tanong niya na inihatid si Duke sa exit ng club. Ayaw niya sanang umalis din si Duke dahil dalawa na lang silang maiiwan ni Ara sa mesa. Nag-kanya kanya nang layas ang may nga kapares habang si Troy ang kasama ng ka-date ni Duke kanina. "Yes. Unfortunately, my wife's daughter arrived three days ago," tila may reklamo nitong sabi. Ang tinutukoy nitong Crystal ay anak ng asawa ni Duke sa una. Mas matanda ang asawa ni Duke at may anak ito sa una. Walang anak si Duke at ang asawa nito ngayon. "What's the problem? Hindi pa naman kayo hiwalay, hindi ba?" "Suzie and I are not living under the same room anymore. Alam niyang maghihiwalay na kami ng Mommy niya kaya siya umuwi. She was accusing Suzie's lover a gold-digger." "Close pala kayo ng anak-anakan mo kung ganun? Pero sa pagkakaalam ko'y bihira naman siya dito sa Pilipinas?" "Hindi na siya bumalik sa Arizona, Dylan. Sa Baguio na siya nag-enroll ng college at ako ang sumasagot sa lahat ng gastusin niya." "Oh, okay... So, you have her loyalty. Ano ngayon ang problema?" "Ang problema'y dalaga na siya ngayon." Napakunot ang noo niya. Hindi niya makuha kung ano ang problema doon. "Natural tatanda 'yung anak niya. She can't always be a young girl. Darating talaga ang panahon na magdadalaga na 'yung tao." "Yeah... And she's f**k'ng hot now, Dylan. Palaging wala ang Mommy niya at palagi silang nag-aaway. Everytime she cries she comes to my room that I find it awkward already. Lalo na ngayong maghihiwalay na kami ng Mommy niya, hindi na anak-anakan ang tingin ko sa kanya." "Yan ang sinasabi ko sa 'yo, ang hilig niyo kasi sa babae." "Hindi ako tumitikim ng ibang babae, Dylan. Sumasama lang ako sa kanila at hanggang table lang ako. I don't take women outside the club. Ikaw? Anong plano mo kay Ara?" "Ihahatid ko lang, pare. Hindi ko rin gustong tumikim ng iba bukod sa asawa ko." "Goodluck. Sa tingin ko'y mahihirapan kang iwasan ang tuksong 'yan. Troy's friends are all liberated, I am telling you. At sa palagay ko'y napakatagal na rin ng ipinagtiis mo." "I still have my faith in our marriage, pare. Ikaw kasi wala na." Tinapik ni Duke ang balikat niya. "Have a safe drive." Nang makasakay si Duke sa Maserati nito ay binalikan niya na si Ara sa loob. Ito na lang pala talaga ang naiwan sa mesa. "Okay ka lang ba?" tanong niya nang makitang nakasandal na lang ito sa sofa. "Yeah... Ang tagal mo, muntik na 'kong nakatulog. Sabihin mo lang kung ayaw mo 'kong isabay," nakangiti nitong wika. Napangiti din tuloy siya at napahiya. Namukha tuloy siyang ungentleman. "Let's go." Kinuha niya ang kamay nito na tumayo naman ang dalaga. Tuloy-tuloy silang nagtutngo sa parking lot. Pinagbuksan niya ng pinto ang dalaga. "Saan ka ba sa Oxfordville?" tanong niya nang paandarin niya ang kotse. "6th Street. Hindi ba tayo sa hotel matutulog?" "Of course not." Idinaan niya lang sa tawa ang sagot. "May mga bahay tayo, bakit tayo magho-hotel?" "Puwede ba tayo sa bahay niyo?" mapang-akit na tanong ni Ara. Kaagad sumagi sa isip niya ang asawa. Pumapayag itong gumalaw ito ng ibang babae pero huwag na huwag sa bahay nila. "No. Magagalit ang asawa ko." "May CCTV ba?" "Sa front door at sa exit." "Dito sa kotse mo?' Isang maharot na tawa ang pinakawalan niya. Lasing na nga siya. "I don't makeout inside my car. At saka may asawa ako." "Aagawin ba kita sa asawa mo?" Naglakbay ang kamay nito sa hita niya at pumisil. "For your information napag-utusan lang ako." "Napag-utusan saan?" "Na akitin ka sumuko sa pang-aakit ko." "What? Pinagpupustahan niyo 'ko, ano?" "A trip to Paris for two weeks. Sayang din 'yun." Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. Pagkatapos ay umiling. "Matatalo ka. Pero sabihin mo na lang na naakit mo 'ko." "I maybe a promiscuous woman but I am not a liar, Mr. Silvestre. At sa tingin mo ba papayag akong hindi ka man lang matikman?" Damn... Nasa sinturon niya na ang kamay ni Ara. Ni hindi na siya makapag-concentrate sa pagmamaneho. "Please... Don't..." Inalis niya ang kamay nito sa pagitan ng hita niya. "Hindi ako pampustahan." Ipinagpasalamat niyang malapit lang ang Zenclub sa Oxfordville. Pero dahil nasa 8th Street pa ang townhouse nila ni Karla, at nangako siya na ihahatid si Ara sa bahay nito, iniliko niya muna ang kotse sa ikaanim na kanto. Binuksan ng security guard ang gate nito at tuloy-tuloy na pinaandar niya ang kotse hanggang sa driveway. "Bumaba ka muna kaya?" malambing ang boses nitong paanyaya. Mabilis siyang umiling. "I have to go." "Takot kang manalo ako sa pustahan?" "Madaling-araw na kasi," sagot niya. Ng totoo'y hindi pa rin humuhupa ang init sa katawan niya. "Forget about the bet I made with your friends. Pero hindi ako papayag na tinanggihan mo 'ko---" "Ara---" Itinakip nito ang kamay sa labi niya na napigil ang anumang gusto niyang sabihin. "You're so hot, Dylan. So f'cking sexy... " Unti-unti nitong inalis ang butones ng polo niya gamit lang ang isang kamay. Ang isa nitong kamay ay nakalapat pa rin sa labi niya. Napalunok siya nang maglandas ang kamay nito sa dibdib niya. Kailan ba siya huling nagkaroon ng pagtatalik? Bago umalis si Karla. That was almost two weeks ago. At dalawang linggo pa ito doon. "Ara..." Pilit niyang inaalis ang kamay nito pero hati na rin ang isip niya. "It's okay if you don't want to have s*x with me. But let me pleasure you before you leave..." bulong nito na nangangako ng langit. Pinaglandas na nito ang dila sa tainga niya dahilan para tuluyang kumawala ang pagtitimpi niya. Nang buksan nito ang zipper ng pantalon niya ay abot-abot pa rin ang kaba sa dibdib niya. After seven years of marriage, this will be the first time he would allow another woman to touch his c'ck. "No. I really have to go. Goodnight, Ara." Inayos niya kaagad ang sarili at ibinalik sa ayos ang upo niya. Inalis din niya ang pagkaka-lock ng kotse para bumaba na si Ara at makaalis na siya. Pabagsak namang isinara ni Ara ang pinto ng kotse niya pagbaba nito. Paharurot niyang nilisan ang driveway ng mansyon nila Ara. Hindi niya na gustong bumalik doon. Muntikan na. Mabuti na lang talaga malakas pa rin ang kapit niya sa kasal nilang mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD