Prologue

991 Words
R-18. Anastasha's POV Kunot noo akong nagising dahil sa sikat ng araw na pang umaga ang tumatama sa mukha ko mula sa nakabukas na bintana. Shocks! Umaga na pala. Agad kong inilibot ang aking paningin sa paligid at laking pasasalamat ko dahil nasa sariling kwarto naman pala ako. Akala ko kasi kung ano na ang nangyari sa akin dahil sa sobrang kalasingan ko. “Sino ba naman kasing isa’t-kalahating siraulo ang iinom habang nasa trabaho, ‘no Anastasha?” pagalit ko sa sarili ko. Sinubukan kong bumangon ngunit napabalik rin ako sa kinahihigaan. Una, dahil sobrang sakit ng ulo ko at pangalawa, may mabigat na bagay ang nakapatong sa may dibdib ko! Muntik na akong mawalan ng ulirat ng alamin ko kung ano ito. Diyos ko! Bakit may katabi akong gwapong lalaki na walang suot pang-itaas at nakadagan sa akin ang mga braso?! Bukod pa doon saka ko lang naramdaman na mukhang wala rin akong damit! Anastasha, hanggang saan ka dinala ng kalasingan mo?! “A-anong nangyari? Paanong—Oh my gosh!” natataranta kong hinatak ang kumot pero hindi ko ito mahatak dahil naipit ang kabilang dulo nito sa katawan ng gwapong lalaki. Mukhang hindi ko ito makukuha sa kaniya kaya’t dali dali na akong bumaba ng higaan sabay hagilap ng aking mga damit na nagkalat sa buong kwarto. Muntik pa akong mapasigaw dahil nagulat ako na yung boxer pala nung lalaki yung isang naitaas ko. Buti na lang hindi siya nagising nang lingunin ko ito kaya’t kumaripas na ako ng takbo papasok sa banyo upang magbihis. “Bwisit! Anong kagagahan itong pinaggagawa mo at nagdala ka ng lalaki sa pamamahay mo? At sino naman kaya ang lalaking iyon? B-bakit ko siya dinala dito?” pagkausap ko sa aking sarili sa harap ng salamin habang tinutuyo ang mukha. Hindi rin nakalagpas sa aking paningin ang mga pulang marka ko sa leeg at ibabaw ng dibdib, siguradong galing ito sa aktibidades namin nung lalaki kagabi. Not that I'm innocent not to know how did I get these, kahit hindi ko pa rin talaga maalala nang buo lahat ng nangyari kagabi. And most of all, I'm certain I'm not pure anymore as I felt my aching body and the sore part between my legs. “Gigisingin ko ba o ano? Argh! Anong gagawin ko? Would he take responsibility of what we did last night? What if hindi siya single tapos mamaya lumabas na kerida niya ako–aish!” pinutol ko na ang kabaliwan kong pagkausap sa sarili dahil ang layo na nang napapadpad nito. Nagdesisyon akong hindi ko na lang talaga siya haharapin matapos ang ilang minuto. Nakakahiya! Isa pa, hindi ko matanggap na nagawa kong ibigay ang una ko sa isang estranghero. A bright idea struck me. Nag hand gesture pa talaga ako na nakataas ang isang daliri na akala mo nakaisip ng napakagandang idea, yung parang sa commerical lang. Hays. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip ang taong nasa ibabaw ng kama. Buti na lang tulog pa rin. Walang ingay akong naglakad papunta sa pinto upang makalabas. Agad akong dumiretso sa landlady. “Manang Lucy! Si Tasha po ito!” mabilis ang mga katok ko para pagbuksan niya agad ang pinto. Takot ko na lang na lumabas yung lalaki sa kwarto ko ‘no. “Bakit, hija? Napapaano ka?” takang tanong nito matapos akong pagbuksan ng pinto. “Ah, hehe. Manang, pwede po ba akong makituloy kahit sandali lang? Emergency lang po." nagpa cute na ako sa kaniya dahil kating-kati na akong makapasok at makapagtago. “Pasaway ka talagang bata ka. Oh sige, pasok ka." wika nito at nilawakan ang bukas ng kaniyang pinto para makapasok ako. “Thank you po!" "Anong emergency ba iyan, hija? Okay ka lang ba? May humahabol ba sa'yo? Mukha kang nagmamadali kanina ah, kulang na nga rin mawasak mo ang pinto ko sa katok mo.” bakas sa boses nito ang pag-alala. "Wala lang po. Medyo tinataguan ko po kasi yung tao sa loob ng bahay ko, hehe. Pwede rin po bang makikitingin naman? Dito na lang po muna ako.” paghingi ko ng pabor dito. Bumalik ito makalipas ang ilang minuto at sinabing nakaalis na yung lalaki. “Sino iyon, hija? Sa ilang buwan mo dito, ngayon ko lang siya nakitang napadpad dito ah. Nobyo mo ba siya? Hindi kasi siya mukhang katrabaho mo lang dahil bigatin. Isang tawag lang mula sa kaniya may dumating na agad na kotse na siyang sinakyan nito paalis." Ngumiti na lang ako dito. "Hinanap niya po ba ako?” “Hindi. Nagtataka na lang siya kung bakit nandoon siya. Hindi ko naman masagot kaya nagpasalamat na rin siya at umalis.” “Sige po. Thank you po ulit!" matapos kong magpaalam ay dumiretso na rin ako sa bahay ko. Habang naglilinis ako ng kalat sa kwarto maging sa kusina ay sinusubukan kong alalahanin ang lahat. Fragment memories are all I have right now. I remember splurging my throat with so many alcohol. Being so wasted. Dancing with strangers on the dancefloor. Pati ang pagsusuka ko sa girl’s bathroom ng bar. May kausap ako doon at hawak niya ang buhok ko habang nakaharap ako sa lababo. I also remember kissing that man inside bar. Sa sofa, sa bar stool, at maging sa loob ng kotse nito! I was straddling him while he's on the driver's seat of his car that is parked in front of my house. How did I even gave him my address?! Next thing I knew, we're kissing our way towards my room. Shocks! Stop self! You gave yourself to an unknown man, you idiot. Napainom ako ng isang basong tubig dire-diretso dahil sa mga alaalang bumuhos sa akin. Bakit parang uminit bigla dito? Todo paypay ako sa sarili. Pinigilan ko na ang sariling alalahanin ‘to dahil hindi ito ang ipinunta ko sa Maynila. Little did I know, that night would be the cause of turmoil in my little peaceful life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD