Anastasha’s Point of View "Paano nakapagpatayo ang isang babaeng katulad mo ng isang mamahaling restaurant? Saan galing ang pera mo? Hindi ka ba na kokonsensya na lahat iyan ay galing sa maruming paraan?" Nagulat ako sa tanong niya kaya nasampal ko siya. Bakat ang kamay ko sa maputi niyang mukha dahil sa harap-harapan niyang pang iinsulto. "Bakit? Hindi ba totoo?" Pagdidiin niya sa akin. "Gusto mo bang malaman nila kung anong kla-" Hindi na niya natapos ang sasabihin ng may kung anong bagay ang lumanding sa mukha niya. Tiningna ko ang pinagmulan nito at nakita ko si Kenneth, nag-gagalaiti siya sa galit at tikim ang mga kamao niya. “Kenneth!” sigaw ko at hinawakan ang braso niya para kumalma siya. “Halika na Tasha! Hindi mo kailangan makipagusap sa kaniya. Kung kailangan mong i-c

